• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - February 23, 2019

PINAS

Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Malacañang, nanindigan sa no ransom policy laban sa Abu Sayyaf group
  • Pagpapalabas ng narco-list bago ang May 13 Elections, tiniyak ni DILG Sec. Año
  • Pagbatikos sa press freedom caravan sa isang opinion editorial, hindi makatwiran – Sec. Andanar
  • Sen. Leila De Lima, dumalo sa arraignment ng kanyang drug case
  • Mass killing ng mga hippopotamus sa Zambia, isasagawa sa buwan ng Mayo  
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Dating Hari ng Thailand, pinarangalan sa kanyang huling paalam

November 3, 2017 by Pinas News


Ni: Jomar M. San Antonio

LIBO-LIBONG tao sa Bangkok, Thailand ang nagsama-sama upang bigyan ng huling pamamaalam ang dating hari ng bansa na si King Bhumibol Adulyadej na yumao noong Oktubre 13, 2017. Sa saliw ng tambol at musika ng plawta, nagsuot ng itim na damit ang mga tao habang dinadala sa huling hantungan ang dating hari. Inabangan nila ang prosisyon bago i-cremate ang dating lider ng Thailand.

Pinalamutian ang mga gusali at mga kalsada ng dilaw na marigold na tunay namang nagpapaalala ng magandang nagawa ng hari sa estado. Maraming mga mamamayan ang nagdalamhati sa pangayayari na pinili pang dumayo sa Bangkok upang makisama sa huling paalam.

“This is the last goodbye. I really love and miss him. It is very difficult to describe,” ika ng nagluluksang si Pimsupak Suthin sa isang panayam ng Reuters, na bumiyahe pa mula sa probinsya ng Nan sa norte.

Si King Bhumibol na mas kilala bilang King Rama IX, ay namatay sa edad na 88 matapos ang pamumuno niya sa Thailand sa loob ng pitong dekada.May ginampanan siyang napakahalagang papel sa pagpapanatili ng katatagan sa mga taon ng kaguluhan sa pulitika. Dagdag pa rito ay siya rin ang namuno para sa mabilis na pag-unlad ng Thailand.

Sama-samang nagluksa ang bagong hari na si Maha Vajiralongkorn, ang tanging anak na lalaki ni King Bhumibol, at ang kanyang dalawang anak na babae at anak na lalaki na dumating sa Grand Palace suot ang kanyang pulang uniporme.

Related posts:

  • McDonald’s sa China, papalitan ng pangalan
  • Israel, tatanggalin ang mga metal detectors sa isang holy site
  • Saudi border, muling bubuksan sa Qatar para sa taunang pagdaraos ng Hajj Pilgrimage
  • Pagtatanggal ng confederate statues, dinepensahan ni US President Trump    
  • 19 Patay sa Hepatitis Outbreak sa California

International News Slider Ticker 88 taong gulang Bangkok Grand Palace Jomar M. San Antonio King Bhumibol King Rama IX Maha Vajiralongkorn Nan sa norte Oktubre 13 2017 Pimsupak Suthin Reuters Thailand

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.