• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

DENR, bibigyang solusyon ang polusyon sa Metro Manila

November 28, 2017 by Pinas News


Ni: Ana Paula A. Canua

UPANG pangalagaan ang kapaligiran, bumuo ang Department of Natural Resources (DENR) ng task force na tututok sa pagpapatupad ng batas at regulasyon  sa Kalakhang Maynila.

Ang “task Force DENR Metro Manila” ang siyang huhuli at magsasaayos sa problemang kapaligiran sa Metro Manila, syempre sa tulong na rin ng mga residente at lokal na pamahalaan, magsasagawa ng mga proyekto na magreresolba sa lumalalang polusyon sa Metro Manila.

“Task Force DENR Metro Manila” is part of an ongoing effort to strengthen the agency’s law enforcement muscle, which he described as the “weakest link” in the fulfillment of the agency’s mandate to preserve and protect the environment and natural resources of the country”, pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Sa inilabas na statement ng DENR anila nanatiling walang pangil ang batas. Nawawalan ng silbi ang inamyendahang mga panukala kung walang magpapatupad at walang huhuli sa mga environment offenders, sa ngayon nanatili pa rin itong isang malaking hamon sa ahensya.

“It is ironic that enforcement is still the weakest link to the DENR’s organizational effectiveness despite the sufficiency of existing laws that have been in operation for over a decade now,” dagdag ni Cimatu

Task Force DENR

Nahahati sa apat na team ang task force, bawat isa ay may hawak na tatlo hanggang apat na lungsod sa Metro Manila.

Ang isang team ay binubuo ng 12 miyembro mula sa iba’t ibang kawani ng DENR, kabilang dito ang Environmental Management Bureau, Forest Management Bureau at ng Biodiversity Management Bureau.

Ang apat na task force ay responsible sa apat na quadrants. Ang quadrant one: Quezon City, Marikina, Pasig, San Juan, Caloocan-North, Valenzuela at Mandaluyong. Quadrant two: Makati, Pateros at Taguig. Quadrant three: Pasay, Paranaque, Muntinlupa at Las Pinas. Quadrant four: Navotas, Malabon, Manila and Caloocan-South

Polusyon sa Metro Manila

Mausok, makalat, barado’t mabahong kanal isama pa ang pagbaha, ilan lamang iyan sa mga problemang kapaligiran na hinaharap  ng Kalakhang Maynila. Isang hamon para sa DENR na pasunurin ang malaking populasyon ng Maynila.

“Owing to being the country’s highest population density and concentration of economic activities, Metro Manila has the highest incidence of violations of environmental laws and that makes it an ideal pilot area for the effort,” giit ni Cimatu.

Maituturing na ngang lahat ng uri ng polusyon ay nasa Metro Manila; Water Pollution, Air Pollution, Soil Pollution at Noise Pollution. Artipisyal at dekorasyon na lamang ang mga puno at halaman upang mapaganda ang mga establisyimento. Samantalang ang kalinisan ay sinasawalang bahala na lamang at pinauubaya sa mga street sweepers. Ang polusyon ay resulta ng kawalan ng disiplina at pagmamalasakit sa kapaligiran.

Solusyon sa polusyon

Tututukan ng task force DENR ang tatlong pangunahing layunin  kabilang ang solid waste management, clean air at clean water.

Hinihikayat din ni Cimatu na gawin ng task force ang lahat upang maipakalat ang impormasyon at maging ‘interactive’ ang paggawa ng solusyon.  Ang paggamit ng social media upang magbigay ng public awareness at mai-report ng mga netizen ang mga environmental offenders.

DOH: pollution exceeds beyond tolerable level

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Department of Health at  World Health Organization, Western Pacific Regional Office  naitala na ang nilalanghap na hangin sa Metro Manila ay may mataas na lebel ng polusyon na higit pa sa kaya ng katawan. Ayon sa DOH delikado ito lalung-lalo na sa mga bata.

Dagdag din ng DOH ang pangunahing dahilan ng polusyon ay mula sa mga sasakyan, pangalawa ay ang mula sa mga factories at first class hotels sa Metro Manila. Ang paggamit ng leaded gasoline rin ng maraming sasakyan ay nagdadala ng maitim at mapanirang usok, isama pa ng mga kemikal na nilalabas ng mga factories, na dumadaloy sa mga creek at ilog.

Marahil pamilyar na rin sa atin ang mga tagpong, tapon-dito…tapon-doon. Kung pagsasamahin ang maliit na kalat na tinapon mo at ang maliit na kalat ng iba, bubuo ito ng tone-toneladang basura na lulutang sa ilog o di kaya’y babara sa daluyan ng tubig.

Responsiblidad ng lahat

Magiging matagumpay lamang ang proyektong ito kung magpapakita ng disiplina ang bawat isa. Mahalaga na magkaroon ng saysay ang clean-up drives na ginagawa ng mga organisyon at maipagpatuloy ng mga residente malapit sa ilog at creek ang kalinisan.

Maaaring nasa balikat ng DENR ang responsibilidad ngunit nasa kamay naman natin ang solusyon sa polusyon.

Related posts:

  • DOTr nakatutok sa public vehicles Biyahe ng LRT 1, LRT 2,  MRT-3 at Jeepneys, tiniyak na ligtas
  • Paggamit ng Plastic: kinakailangan, iwasan!
  • Pag-asa Ng Buhay, pag-asa ng inang Kalikasan
  • Summer destination sa Pilipinas
  • Red alert na! Pumapalyang mga planta?

Environment Slider Ticker Ana Paula A. Canua Caloocan-North Caloocan-South DENR Department of Health Department of Natural Resources DOH Las Piñas Malabon Mandaluyong Manila Marikina Metro Manila Muntinlupa Navotas Paranaque Pasay Pasig Pateros Quezon City Roy Cimatu San Juan Taguig Valenzuela

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.