PINAPABALIK ng Ford ang 73,000 full-sized vans nito sa North America dahil sa wiring problem na maaring magdulot ng sunog at iba pang electric issues.
Nag-abiso ang Ford sa Transit Vans na nabili mula 2015 hanggang 2017 na may trailer tow computer module.
Ayon sa Ford, narito ang mga posibleng mangyari kung patuloy nagagamitin ang transit vans.
Maaaring pumasok ang tubig sa module na maaaring magdulot ng corrosion, at electrical short na posibleng maging dahilan ng sunog.
Ang corrosion ay maaaring magdulot ng hindi inaasahang seat belt pretensioner activation, rapid flashing of turn signals, loss of heating at air conditioning controls, at iba pang malfunction sa sasakyan.
Posibleng mangyari ang short circuit habang nakapatay ang ignition kaya nirerekomenda ng Ford na i-park sa labas habang hindi pa naayos ang inyong sasakyan.
Ayon sa tala ng Ford nagdulot ng dalawang sunog ang Ford Transit van sa Canadian fleet, wala namang naitala na namatay sa sunog.