PINAS

Google, planong magtayo ng ‘high-tech neighborhood’

Google, planong magtayo ng ‘high-tech neighborhood’

Ni: Ana Paula A. Canua

NAKATAKDANG magtayo ng high-tech neighborhood ang Google na tatawaging Quayside na bubuuin ng mga  flexible buildings at mitigated weather system.

Plano ng Google na makagawa ng “a blueprint for the 21st-century urban neighbourhood.” Itatayo ang Quayside sa Toronto Eastern waterfront, pangangasiwaan ng Google Subsidiary Sidewalk Labs at Canadian Government ang nasabing proyekto.

Ayon sa Sidewalk Labs, “combine forward-thinking urban design and new digital technology to create people-centred neighbourhoods that achieve precedent-setting levels of sustainability, affordability, mobility, and economic opportunity.”

Marami rin ang naintriga sa plano ng kumpanya matapos nitong sabihin na kaya nitong gagawing maganda ang panahon.

“Innovative urban design, new lightweight materials, and better weather prediction capabilities make it more feasible than ever before to manage the outdoor experience without turning public spaces into indoor winter gardens,”aniya sa plano.

“Awnings that block rain, physical structures that block wind during the winter but not during the summer and sun shades can all add significantly to the daytime and evening hours when the experienced temperature feels comfortable to most people.”

Tinagurian ng Sidewalk Lab ang Quayside bilang “world’s first neighbourhood built from the internet up.” Wala pa namang nilalabas na takdang budget at petsa ang Google kung kailan sisimulan ang paggawa ng mga imprastruktura.