PINAS

Janin Gutierrez, blooming dahil kay Rayver Cruz?

Ni: Wally Peralta

DAHILAN sa pagkakaroon ng bagong manager ang Kapuso young actress na si Janine Gutierrez sa pamamahala na ngayon ni Leo Dominguez, manager din nina Paulo Avelino at JC de Vera na mga dating Kapuso talent na lumipat sa Kapamilya Network sa tulong ng mapagpalang kamay ni Leo, dagdag pa rito ang pagkakaugnay ngayon si Janine sa isang Kapamilya actor na si Rodjun Cruz at inimbitahan pa siya ng actor na maka-date sa nakaraang Star Magic Ball 2017, maraming haka-haka na nagbabalak na raw itong si Janine na lumipat ng istasyon mula GMA-7 to ABS CBN.

Utang na loob…

Pero lahat ng bulong-bulungan na ito ay nabigyan tuldok ni Janine nang pumirma muli siya ng bagong exclusive contract sa Kapuso Network kamakailan lang. May tsika rin na bago raw pumirma muli itong si Janine sa GMA-7 ay nila-lobby na raw diumano ng kanyang bagong manager na si Leo ang pag-o-over ‘da bakod niya sa Dos?

“That’s not true,” bulalas ni Janine.

“Noong nag-expire ang kontrata ko sa GMA-7 ay nakikipag-negotiate din si Tito Leo sa Siete at hindi naman kasi basta aalis as a Kapuso kasi malaki ang utang na loob ko sa GMA. Sila ang nag-build up sa akin and they gave me good projects, last nga yung ‘Legally Blind’ which did very well. So finally, natapos na ang negotiation, I renewed my exclusive contract, we’re very satisfied, and I remain to be a Kapuso and I’m happy that GMA remains to be my second family, my home.”

Working with idols…

Looking forward na si Janine sa bago niyang mga proyekto ngayon na Kapuso siyang muli. Isa na rito ay ang pagkakataon na makasama niya sa ilang proyekto sa GMA-7 ang mga iniidolo niyang actor tulad nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na hindi naman imposibleng mangyari dahilan sa nasa sa iisang bakuran na rin lang naman sila at pare-pareho pa silang mga matured actors.

“Kung puede sana, si Dennis Trillo, o si Tom Rodriguez. Actually, marami pa akong gustong makatrabaho. Given the chance,” ani ni Janine.

Minsan na rin niyang nakasama sa isang show sa Kapuso Network ang kanyang ina at lola na sina Lotlot de Leon at Nora Aunor, sa isang episode ng defunct weekly show na “Karelasyon” ni Carla Abellana,  pero feel din ni Janine na sana ay makasama niya ang mga ito sa isang movie.

“I’d also like to work with my grandma, Nora Aunor. Sana magkasama kami sa isang movie. Nag-guest na kami sa isang TV show so sana maulit yun. I’d also like to work with my Lolo Eddie Gutierrez. I know I’d learn a lot from the experience of working with them. As for my Mamita Pilita Corrales, she’s more on singing and I will be guesting in her show,” dagdag na say ni Janine.

Friends in love?

Marami na rin ang nakakapuna na exclusive datings ngayon sina Janine at Rayver, kaya tuloy hindi matapos-tapos ang tsikang silang dalawa na nga ngayon pero hindi naman ito inaamin ng dalawa, para kay Janine, friends lang niya si Rayver samantalang ang Kapamilya actor naman ay inamin na nililigawan palang niya si Janine. Si Rayver nga ba ang inspirasyong ngayon ni Janine?

“Palagi naman pong inspired kasi, maswerte po talaga ko sa mga project ko and alam ko po na magtutuloy-tuloy lang ‘to kung talagang pagbutihan ko din, so inspired po palagi,” sabi ni Janine.