PINAS

Kids outerwear na gawa sa ‘plastic bottles’

Ni: Ana Paula A. Canua

RAINCOAT na mula sa plastic bottle, ito ang planong gawin ng Nova Scotia fashion designer na si Tabitha Osle.

Layunin ng kanyang kumpanya na Faire Child na gumawa ng mga waterproof raincoats, anoraks, rain pants, coverall, backpacks at caps para sa mga batang may edad tatlo hanggang 10.

Gamit ang lumang polyethylene terephthalate (PET) bottles,  iko-convert ito bilang bagong polyester fabric. Kapag naluma, maaaring ibalik ng customer ang kanilang nabiling produkto para muling i-recycle ng kumpanya at muling maging bagong produkto. Bilang kapalit makakakuha ng 15% discount ang costumer sa susunod nilang pagbili.

“We have to actively recycle it,” pahayag ni Osler sa panayam ng CBC, “Otherwise what’s the point in having a recyclable coat out there if it’s just going to … end up in a landfill?,” dagdag niya.

Ayon kay Osler ang ideya ng kanyang mga produkto ay ‘Positive impact through fashion’. Matapos mag-aral at magturo ng fashion design sa loob ng 10 taon, sa pagkakataong ito nais niyang gampanan ang responsibilidad sa kapaligiran at komunidad.

Para panatilitin ang mababang halaga, online lamang maaaring mabili ang mga produkto, mas mababa naman ito kumpara sa mga produkto na makikita sa pamilihan. Nagkakahalaga ng $168 ang cover-all samantalang $38 naman ang cap.

Kapag nakalikom na ng sapat na recycled bottles, magsisimula ang kanilang produksyon sa taong 2018 sa Climate Technical Gear Burnside, para masimulan ang distribution sa Pebrero.