PINAS

Kung Fu Master, kayang durugin ang 302 walnuts sa loob ng 55 segundo

Kung Fu Master, kayang durugin ang 302 walnuts sa loob ng 55 segundo

Ni: Ana Paula A. Canua

NAGTALA ng bagong Guiness World Record ang Kung Fu Master mula sa China matapos nitong durugin gamit lamang ang kanyang mga kamay ang 302 walnuts sa loob lamang ng 55 segundo.

Pinakita ni Kung Fu Expert Li Weijun sa Foshan City, Guangdong Province na kayang-kaya niyang durugin ang napakaraming walnuts gamit ang martial arts. Tinalo nito ang previous record na 212 walnuts sa loob ng isang minuto mula sa India, ilang Linggo pa lamang ang nakalilipas.