PINAS

LA Clippers, muli na namang natalo

 

Pinas News

NADAGDAGAN pa ang losing streak ng Los Angeles Clippers matapos tambakan ng New York Knicks. Pinadapa ng Knicks ang Clippers, sa score na 107-85.

Namayagpag sa hardcourt si Kristaps Porzingis matapos kumamada ng 25 points, 7 rebounds at 2 assists.

Nagdagdagan pa ng 16 points si Doug Mcdermott para sa tagumpay ng Knicks, kasama ang 3 point shot na nagbigay ng momentum sa team hanggang sa third quarter.

Hindi naman sapat ang ginawang 21 points ni Blake Griffin para manalo ang kanilang koponan.

Sa iba pang laro sa NBA, wagi ang Indiana Pacers kontra Orlando Magic, sa score na 105-97 habang pinataob ng Philadelphia 76ers ang Utah Jazz, sa score na 107-86.

 

Nilampaso ng Charlotte Hornets ang Minnesota Timberwolves, sa score 118-102 at tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Detroit Pistons, sa score na 116-88.