PINAS

Lalaki, lumipad sa South Africa gamit ang lobo

 

Ni: San Antonio, Jomar M.

ISANG lalaking daredevil ang lumipad upang saksihan ang ganda ng South Africa sakay ng kanyang camping chair na tinalian ng kulang-kulang 100 helium balloons. Masasabing pamilyar ang istorya sa isang pambatang pelikula.

Ibinahagi ni Tom Morgan, 38-anyos, ang video ng kanyang nakita na tinuturing niyang isang “magical flight”. Pinuno niya ang mga lobo sa loob ng dalawang araw sa tulong na rin ng kanyang team.

Hindi man natuloy ang una niyang pagtatangka sa Botswana, nabawi naman ito ng kanyang nasaksihan sa South Africa.

“The problem was finding a good weather window and it was difficult to protect the balloons as they kept bursting,” ika ni Morgan.