Pinas News
ISA ang patay habang isa ang sugatan matapos bumangga ang isang motorsiklo sa poste ng ilaw sa EDSA-Centris sa Quezon City.
Ayon sa ulat, pumailalim ang angkas ng motorsiklo sa isang SUV.
Umabot sa halos apat na oras bago naialis sa pinangyarihan ng aksidente ang bangkay ng lalaki.
Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang insidente.