Si Marlon Alexander Stockinger, 26, ang unang Pilipino na nanalo sa Formula 1 Racing, 2 Sakay si Marlon ng single-seater Formula 1 car sa ilalim ng Lotus F1 Team para sa Formula Renault 3.5 Series
Ni: San Antonio, Jomar M.
BILANG isang bansa na ang paboritong isports ay basketball, boxing, at volleyball na tunay namang inaabangan gabi-gabi, hindi ganoon napapansin ang ibang laro hangga’t walang Pinoy na gumagawa ng ingay para rito. Ganyan ang pinagdaanan ni Marlon Alexander Stockinger nang ipakilala niya ang watawat ng Pilipinas sa mundo ng car racing.
Ang 26 taong gulang ay ang kauna-unahang Pinoy na nanalo sa formula racing sa Europa. Hindi man ganoon kakilala ang isports na ito sa bansa, pero buong puso itong dinala ni Stockinger bilang inspirasyon upang mapanalunan ang unang puwesto sa 2012 Monaco Grand Prix sa GP3 Series, isang prestihiyosong karera na tunay na hinahangaan sa mundo. Dito nagsimula itayo ng binata ang watawat ng Pilipinas bilang bansa na kanyang ipinagmamalaki at ipinapaglaban sa loob ng race track. Ika nga “A win anywhere is special… but in Monaco it is extra special.”
Isinilang si Stockinger sa Maynila mula kay Tom Stockinger, isang Swiss na negosyante at race enthusiast at sa Pilipinang si Egin San Pedro. Lumaki siya sa Malate gaya ng ibang tipikal na batang Pinoy na naglalaro ng tumbang-preso at piko kasama ang dalawang nakababatang kapatid at mga pinsan.
“We lived in an apartment building on Syquia. We usually just ran up and down the stairs then played out on the streets. We’d come home really dirty and my mom would be so angry.” Nanirahan din sila sa bahay ng lola niya sa La Huerta, Parañaque.
Nagsekondarya naman siya sa isang British International School at upang maipagpatuloy ang hilig sa car racing na nagsimula noong siya ay 9 na taong gulang pa lang, lumipad siya sa Europa nang siya’y nag 16 anyos.
“I was nine years old. My father had started racing in go-karts and I honestly didn’t know anything about the sport. I went, he just put me in a really small go-kart that I didn’t even own. I didn’t even do one lap, it was straight lang, I didn’t even do any corners. I stopped, I looked at him and I said, ‘I wanna race.’ That was it,” ika niya sa pagbabahagi kung paano siya nagsimula sa mga go-carts sa Carmona, Cavite.
Sa pagsisimula ng kanyang career sa international racing derbies, naging kampeon si Stockinger sa 2006 Asian Karting Championship, 2007 Philippine Rotax Max Championship at 2008 Formula BMW Pacific Scholarship Race, at iba pang events.
Nagkarera rin siya para sa Formula Renault noong 2009-2010 sa edad na 18 taong gulang. Bata pa kung iisipin ngunit para kay Stockinger, buhay niya ang race track kung kaya naman ipinagpalit niya ang pagtatapos sa kolehiyo sa CATS Cambridge sa pagka-karera dahil nandito ang puso niya. “Unfortunately, I couldn’t handle both because it was like falling between two stools. Neither of them were doing really well. I was always away from the racing, and when I would come back I was always behind in school. So I told my parents, ‘I know it’s a risk but give me a chance to really commit myself to it,’”
Sa Formula Renault series siya unang nanalo para sa Formula 1 racing kung kaya naman nakuha niya ang bansag na “Unang Pilipino na nanalo sa Formula Race sa Europa”. Ang pinaka-mahalagang karera naman sa kanya ay noong sa GP3 Series sa ilalim ng Team Status Grand Prix kung saan niya napanalunan ang first pole position sa 2012 GP3 Series sa Monaco. Makasaysayan para sa isang Pilipino na nagsimula sa mga lansangan ng Malate. Bumalik muli siya sa Lotus F1 Team Juniors para sa Formula Renault 3.5 Series noong 2013-2015. GP2 Series na ang lalabanan ngayon ng binata bilang bahagi ng kanyang racing career na ayon sa kanya ay tila pag-graduate sa isang antas at ang GP2 ay kolehiyo. “I have to think less to drive better. I excel when relaxed. It’s more about controlled aggression,” ika niya kung paano siya ngayon nagmamaneho.
Sa ngayon, mahigit sa 170 karera na ang kanyang sinalihan at nagkaroon na rin ng mahigit 20 aksidente sa race track. “Today I’d say playing in the NBA or NFL, where players are constantly putting their bodies at risk of wear and tear, is more dangerous than car racing… race car drivers have longer careers because we are protected more than ever and our bodies don’t get as battered. I could race well into my 40s or 50s if I still want to compete at a high level.”
NGUNIT hindi lamang karera ang pinagkaka-abalahan ni Marlon. Nagiging modelo rin siya dahil sa kanyang career at sa gwapong hitsura na tunay namang cover na ng mga magazines. Aktibo rin siya sa ibang sports tulad ng running at boxing na kitang-kita sa magandang katawan. Ngunit ang pinaka-magandang nangyari para sa kanyang karera ng buhay ay ang maging nobyo ng 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach. Busy man ang schedule o nagkaroon ng maraming fans at syempre bashers, patuloy pa rin si Stockinger sa pagdiskubre ng masayang buhay sa gitna ng kanyang pambihirang karera.
“No matter what, never give up. No matter what, stay positive,” he says. “That’s an essential lesson because in the road of your life, you get hit with speed bumps… I don’t believe in redoing things, and I’d always do it the same way even if I make mistakes. Pausing would give me more time to assess what the next move would be.”