Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
TAYO ay pumapasok sa Bagong Pangako, ang Bagong Kasunduan, na nagsasabing simula ngayon ang Kalooban ng Ama ay matutupad sa mundo.
Kanyang dinala sa atin itong Bagong Pangako, na sinelyuhan ng Kanyang dugo, dahil hindi mabisa ang isang pangako maliban kung ito ay sinelyuhan ng dugo sa isang nagdala ng pangako sa atin. Ito ang sakripisyong ginawa ng ating Dakilang Ama, ang Bugtong na Anak sa Hudyong Kapanahunan. Kanya itong dinala sa atin, isang bagong kasunduan sa pagitan ng Panginoon at tao, pinamamagitan ng Bugtong na Anak sa Kanyang ministeryo bilang ang Salita ay naging laman.
Ang mga tao sa lahat ng estado ng buhay, umpisa sa Hudyong Bansa, ang piniling taong Hudyo, hanggang sa Hentil na mga bansa, na binuo ng Kapanahunan ng Simbahan, ay nakaaalam sa Pangako. Nalalaman at tinanggap lamang ng Hudyong Bansa ang lumang pangako, na hindi kumpleto at tumalakay lamang sa materyal at pisikal na aspeto ng kaligtasan na dinala sa atin ng Dakilang Ama na nagsimula mula pa noong pagkasala sa unang Adan. Ang Bagong Pangako ay isinagawa ng Bugtong na Anak bilang Bugtong na Anak ng Panginoon, ang Salita na naging laman.
HINDI LUMAGDA SA PANGAKO ANG BANSANG HENTIL
Ang Bansang Hentil na tinawag nating Kapanahunan ng Simbahan. Nagsimula nang kanilang binasa ang Pangako, kanila itong ipinangaral, kanila itong itinuro, ngunit hindi nila ito nilagdaan. Nabigo sila sa isang aspetong ito, na kapag kanilang binalewala, mananatili silang alipin at alila.
Ang mga alipin at alila ay walang kinalaman sa pamana. Ang mga anak na lalaki at anak na babae lamang ang may karapatan sa pamana, at ito ang mangyayari kapag ang Pangako, na binigay sa atin bilang bagong kasunduan na “Ang Kanyang Kalooban ang matutupad sa mundo,” ay pinagkatiwala sa kanila sa Simbahang Kapanahunan. Nabigo silang magdulot ng bunga at gumawa ng maraming mga ‘daan’ sa kaligtasan. Kanilang binago ang Pangako, kanila itong tinakpan, kanila itong pinilipit, kanila itong itinabi. Kaya hindi sila nakapagdulot ng bunga mula sa makasalanang lahi ni Adan na magdudulot ng mga bunga para sa Kanya. Kaya ang Kaharian ng Langit ay inalis sa kanila, na siyang katuparan sa isinulat sa Kasulatan:
Mateo 21: 43 ay nagsasabi, “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Diyos, at ibigay sa isang bansang nagkakabunga.”
Ano ang hinggil sa mga bungang ito na sinasabi Niya? Ito ang mga Bunga ng Espiritu na magkikilala sa mga taong tatawaging mga anak na lalaki at anak na babae. Ngunit bago ‘yan mangyayari, kailangan ninyong dumaan sa proseso na pinagkasunduan sa Pangako, ang siyang pagsisisi, at pagkatapos sa pamamagitan ng pagsisisi inyong tinuligsa ang kasalanan na itinanim sa atin, na siyang ang binhi ng ahas.
Maraming mga tao ang hindi nakaaalam niyan. Hindi nila nalalaman na ang kanilang sariling kalooban ay ang binhi ng ahas na itinanim sa atin na siyang gumawa sa atin ng Panginoon sa atin. Kaya kapag kanilang sinabi ang kuwento ng kaligtasan, hindi sila makababalik sa paglikha dahil hindi nila ito maipaliliwanag ng husto. Wala silang malalim na pagkakaalam nito. Hindi nila maunawaan, hindi nila malulutasan ang problema, o ang isyu ng problema ng kasalanan. Gumawa sila ng ibang mga ‘daan’ itong lahat ay hindi mabisa dahil maliban na dadaan kayo o mabuksan ang pintuan ng kaalaman at pag-uunawa patungkol sa anong nangyari sa Hardin ng Eden, ang unang pagkatukso sa nagkasalang lahi ni Adan, na siyang dahilan ng pagkahulog ng tao mula sa grasya ng Panginoon, hindi ninyo ito malulutas. Gagawa lamang kayo ng sarili ninyong daan at ito ang ginawa ng Kapanahunan ng Simbahan. Kaya nabigo silang magdulot ng bunga na maging isang Anak na lalaki mula sa nagkasalang lahi ni Adan.
Ang Sonship o Pagkaanak ay ninakaw mula sa atin at ito ay nasa mga kamay sa isang naglinlang sa tao at iyan ang demonyo –si Satanas na si Lucifer ang demonyo. Ang manunubos ay dumating upang mabawi, matubos at makuha muli ang anumang ating nawala sa pagkakasala at nagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagdala ng Pangako sa mundo at ang mga tao na tumanggap sa Pangako, sa pamamagitan ng kanilang sariling kalayaan sa pagpili. Kaya pumili Siya ng tao mula sa nagkasalang lahi ni Adan na binuo ng piniling Hudyong bansa. Ngunit sila rin ay nabigo.
Kaya kinuha ng Ama ang Kaharian mula sa Hudyong Bansa at ito ay binuksan sa mga bansang Hentil. Ito ang Kapanahunan ng Simbahan. Sila rin ay nabigong magdulot ng bunga, sa kabila ng ibinigay na 1,900 taon –mula sa 70AD hanggang Abril 13, 2005 –at hindi nila ito nalalaman na ito ang itinalagang araw, na kungsaan ang bawat isa ay inatasang magsisisi. Dahil ang salita ng Panginoon ay nagsasabi, “Ang kahangalan ng tao, na pinalipas ng Diyos.” Ngunit ngayon sa mga huling araw na ito Kanyang inatas sa bawat isa ang magsisisi.
ANG ITINALAGANG ARAW AY DUMATING
Mga Gawa 17:30-31: “Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako: Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito’y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya’y buhayin niyang maguli sa mga patay.”
Ang itinakdang araw ay Abril 13, 2005, kung saan Kanyang hahatulan ang mundo sa katuwiran, sa pamamagitan ng tao na kanyang itinakda.
Ito na ang panahon ng Araw ng Panginoon. Tinawag ng Ama ang Hinirang na Anak at sinanay siya sa anim na taon sa dalawang bundok; siya ay nakapasa at nagtagumpay. Ngayon ay maaari siyang gamitin ng Ama bilang Tagapagsalita, bilang Naririnig na Boses at bilang Templo dito sa mundo kung saan maaari siyang makapagsalita sa lahat ng tao. Siya ang naging batayan at modelo ng kaligtasan, ang batayan at modelo ng kahatulan dito sa mundo. At ngayon, narito tayo, nagsasalita patungkol dito at wala nang ibang daan. Wala nang ibang daan ngunit ang daan ng Anak. Siya lamang ang daan dahil ang Anak ay ang Daan. Ang pintuan ng inyong langit ay ang Anak.
(itutuloy…)