PINAS

Pagmamahalan nina Luis at Jessy mahirap tibagin

Ni: Wally Peralta

ILANG taon na ring naging matatag ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kabila ng katotohanang may mga taong pilit silang pinaghihiwalay.

Nili-link si Luis sa ibang mga babae at maging si Jessy ay nili-link rin sa ibang guy lalo na sa kanyang mga post sa social media.

Ngunit bago pa man tuluyang maging malaking isyu ang lahat sinusupla na ni Jessy ang kanyang mga basher.

Tampo sa mother studio

Walang show ngayon si Jessy sa ABS CBN, ang huling regular show na ginawa niya sa Kapamilya Network ay ang “Banana Sundae”.

Sinasabing nagtampo umano si Jessy sa Kapamilya dahil hindi binigay sa kanya ang role ng iconic superhero na si ‘Darna’ na napunta ngayon kay Liza Soberano.

Maging sa show umano nito sa Banana Sundae ay nag-emote na raw ang actress bilang ‘Darna’ nagsuot na rin ito ng costume kung saan pinapahiwatig niya na gusto niyang maging si Darna.

Pinabulaanan naman ng kanyang boyfriend ang mga paratang laban kay Jessy.

Sinabi ni Luis na hindi niya narinig kay Jessy na gusto nitong maging Darna at naintindihan daw niya kung bakit wala munang mga proyekto ngayon ang nobya.

 “Ganun naman talaga sa industriya, minsan you’re ups, then minsan you’re down,” ayon pa kay Luis.

“Minsan nga she ask me, ‘parang wala akong serye lately? sabi ko naman sa kanya ay ganun lang yan, not always nasa itaas ka, yan din ang sabi ng mommy (Vilma Santos) sa akin,” dagdag pa ng aktor.

Dedma sa career

Binigyang linaw rin ni Luis ang isyung panghihimasok diumano niya sa packaging career ni Jessy kung kaya nagiging choosy na rin daw ang dalaga sa kanyang m

Matatandaang nakilala na sexy and matured roles ang ginagampanan ni Jessy sa mundo ng showbiz.

 “Never naman talaga siyang nagpatweetums, nakilala ko na siya sa ganyan image, never siyang dumaan sa love team-love team.”

“Kumbaga sa graduation, nagsimula siya sa mataas agad, never siyang nagpacute sa showbiz career niya.”

Sinabi pa ni Luis na lumaki siya sa showbiz at maging ang kanyang ina ay dumaan rin sa mga sexy at matured roles tulad ng mga “Tagos sa Sugo”, “Alyas Baby Tsina” yung ‘Burlesque Queen” at marami pang iba, kaya hindi umano siya mangingialama kay Jessy.

“Kaya kong sabihin, na mula noong unang showbiz girlfriend ko (Nancy Costiglione), up to now, never akong nagli-limit sa ginagawa nila pagdating sa showbiz career, never kong sinisita na ‘hoy, that’s to sexy, never!”

Wonder woman

Never na pinangarap ni Jessy na maging si Darna! O, lumabas bilang si Darna”

“Yung sa Banana Split na sinasabing Darna costume niya, hindi yun, ibang karakter yun. Isa yung karakter sa grupo ng ‘X-Men” si Psylocke.”

 “Jessy was, is always a fan of wonder woman. Maging ang mom niya ay fanatic ni wonder woman. Never ko siyang naringgan na ‘sana mapunta sa akin ang darna role’. Yung bagang parang nagpupumilit na maging isang darna, never!”

At sa status ng relasyon ngayon nila ni Jessy, tamang panahon nalang ang kanilang hinihintay upang mabigyan ng mga apo ang kani-kanilang mga magulang.