PINAS

Pang. Duterte at Trump, magkikita sa unang pagkakataon

Ni: Ana Paula A. Canua

NAKATAKDANG magkita sa unang pagkakataon si Pangulong Duterte at Pangulong Donald Trump, ng Amerika sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Leo Herrera Lim, sa unang pagkakataon personal na magkakausap si Duterte at Trump sa welcome dinner ng summit.

Matatandaang nagkausap pa lamang sa telepono ang dalawang presidente noong Disyembre at Abril nakaraang taon.

Ayon kay Lim, nakatakdang pag-usapan ng dalawang presidente ng isyu ng seguridad at  ekonomiya. “If you see pretty much a convergence between the two Presidents would be: one, on national security, both at the country level and at the regional level; and then number two, the desire to grow the different engines of global economy ‘no. So that, at least, there will be a bigger participation of the population in the benefits of a free, open trading system,” pahayag ni Lim.

Pagtapos ng APEC, nakatakda namang bumisita sa bansa si Trump sa Nov. 12 hanggang 14 para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila.