PINAS

Pinakamahal na sapatos, nagkakahalaga ng $15.1 million

 

Ni: San Antonio, Jomar M.

IPINAKITA na sa mundo ang pinaka-mahal na sapatos na nagkakahalaga lang naman ng $15.1 million. Ito ay ginawa ng UK designer na si Debbie Wingham na kilala din bilang gumawa ng pinaka-mahal na damit sa buong mundo.

Kabilang sa disenyo ng sapatos ang mahigit sa 1,000 tunay na diamonds at zipper na purong ginto. Ginawa ito ni Wingham bilang isang regalo sa isang kaarawan.

Sikat ang designer para sa kanyang koleksiyon na binuo para sa mga artista, mayayaman, at mga hari at reyna.

Ang sapatos ay kinomisyon umano ng isang pamilya na nais mag-regalo ng kakaibang diamond art na tunay namang binuhusan nina Wingham ng daang-daang oras ng trabaho.