Pinas News
BIGONG makapasok ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa Final Five ng Miss Universe 2017.
Pasok sa top 5 ang South Africa; Venezuela; Thailand; Jamaica at Columbia.
Target sana ni Peters na masungkit ang pang-apat na titulo ng Pilipinas kasunod ni Pia Wurtzbach na kinoronahan noong 2015; Margie Moran noong 1973 at Gloria Diaz noong 1969.
Bagama’t hindi nakapasok sa top 5 ay trending ang Miss Philippines sa social media at binati ng mga kababayan sa buong mundo si Rachel para sa ibinigay nitong karangalan sa bansa.