PINAS

Real life ‘Iron Man’ nagpakitang gilas

Real life ‘Iron Man’ nagpakitang gilas

Ni: Ana Paula A. Canua

KATULAD ng Marvel superhero na si Iron man, lumipad sa ere at nagpakitang gilas ang British entrepreneur Richard Browning, founder at chief test pilot ng kompanyang Gravity Industries.

Gamit ang body-controlled jet engine powered suit naging totoong buhay ang pelikulang Iron Man.

Kaugnay nito  naitala sa Guinness World Records ang ginawa ni Browning  bilang pinakamabilis na tao na may suot na power suit, kumakaripas sa  32.02 mph ang lipad ni Browning.

Pinalilipad ng anim na kerosene-fueled micro gas turbines ang jetsuit.