PINAS

Rhian Ramos, Lover Over Career

 

Si Rhian Ramos kasama ng kanyang non-shobiz boyfriend na si Jason Choachuy.

 

Ni: Wally Peralta

HINDI lang miminsan na nagmahal ng showbiz guy itong si Rhian Ramos, andiyan sina DJ ‘Mo’  Twister, KC Montero, Mark Herras and JC de Vera, pero ngayon ay isang non-showbiz guy ang kanyang karelasyon, si Jason Choachuy, halos two years na rin ang kanilang relasyon and going smooth. Masasabing ito na rin ang pinakamatagal na pakikipagrelasyon ni Rhian, since ang mga nauna kay Jason ay isang taon mahigit lang ang tinagal.

“So far the relationship has been working in a positive way. I am not living in fear. We don’t have to read every argument we have. It’s nice to have that intimacy and trust,” paunang say ni Rhian.

Secretly married?

Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Iceland si Rhian kasama ang kanyang non-showbiz. Sa naturang bansa ay malayang-malayang nag-beach si Rhian na walang mga fans o media na nakasunod sa kanya. Ang tanging photographer niya ay ang kanyang boyfriend at sa social media account ni Rhian nakapost ang mga litratong kuha habang nasa beach niya sa Iceland.

Tsikang hindi lang daw bakasyon ang pinuntahan ni Rhian at boypren sa Iceland, nagpakasal daw sila ng lihim sa bansang pinuntahan?

“Not true!”

“Both of us have no plans of settling down yet. Ang dami ko pang projects na gagawin, no?”

Selecting the best…

Isa nga sa latest na project na ginagawa at pinagkakaabalahan ni Rhian Ramos ay ang bago niyang teleserye sa GMA-7, last seen si Rhian sa soap na “Sinungaling Mong Puso”, ang “The One That Got Away” kasama sina Dennis Trillo, Jason Abalos, Lovi Poe at Max Collins. Kung saan ay istorya ng magkakaibigan na naging ex-boyfriend ng isang playboy na guy.

Sa tunay na buhay, dapat nga bang hindi madaliin ng isang babae ang pagsagot sa isang lalake at patuloy pa rin makipag-date sa iba? Kahit pa may sudden ‘spark’ ang lalakeng lumiligaw sa kanya? Ika nga collect and select.
“I believe that you should be able to date as many people as it takes to get the right one. A lot of them may turn out to be mistakes. But until you finally get the kind of person that you truly deserve, don’t just settle for anyone else.”

“It seems kasi na there’s a double standard in the society. Its okey for men to date as many girls as they want. But when it comes to women, the view is more conservative ang limited.”

“It’s really unfair kasi kapag guys, no one asks kung gaano na karami ang naka-date nila. But when it’s a girl, para bang it’s so scandalous kung marami na ang naka-date mo. But you really have to be choosy kasi siempre, at the start, hindi mo naman alam yung tunay na ugali noong guy. When you realize that he doesn’t really give that much value or importance, then it’s time for you to go and love yourself a little more. Maybe the next guy will be a little bit better,” say pa ni Rhian.

Working with Kapamilya again…

Loyal Kapuso star si Rhian pero nakapagtrabaho na rin siya na isang Kapamilya na kanyang leading man, si Piolo Pascual, sa pelikulang “Silong” kung saan ay nakakuha ng maraming nomination sa acting awards si Rhian sa iba’t ibang award giving bodies. Meron pa nga siyang napanalunan.

Ngayon ay balik-Kapamilya leading man na ulit si Rhian, may bago siyang movie na ginagawa, kung saan hindi lang isang Kapamilya actor ang kanyang kasama, kung di dalawa pa. Sina Zanjoe Marudo and Daniel Matsunaga. Sa pelikulang “Fallback”.

“New movie for me to work on and hopefully watch out for!”

“Nakakatuwa ‘yung character dito.  Kasi nga sa ‘Fallback, ‘pag tayo ay sanay masyado ma-broken hearted, ‘yung gusto natin next time, hindi na tayo masasaktan. So du’n nanggaling ‘yung title,” pagtatapos pa ni Rhian.