PINAS

Robin at Sharon, magsasamang muli

Ni: Eyesha N. Endar

Magsasamang muli sa pelikula sina Robin Padilla at Sharon Cuneta.

Kaya malabong matuloy ang pinag-uusapang pagbabalik-tambalan nila ng dating ka-love team at asawang si Gabby Conception.

Maging ang pagsasama nila ni Ian Veneracion ay pansamantala ring naudlot.

Samantala makakasama nina Sharon at Robin sina Joshua Garcia at Julia Barreto, ang bagong tambalang tinanggap ng madla.