PINAS

Sunog, sumiklab sa isang warehouse sa Quezon City

Pinas News

SUMIKLAB ang isang sunog sa warehouse ng trucking company sa West Los Angeles, Barangay San Bartolome, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula.

Kabilang sa tinupok ng apoy ang apat na truck at isang kotse.

Iniimbestigahan na ang pinagmulan ng apoy at halaga ng mga ari-ariang nasunog.