PINAS

Sylvia Sanchez, masaya pa rin sa iba niyang “Nanay-roles”

Pinas News

MATATANDAAN na laging nanay ang ginagampanan ng aktres na Sylvia Sanchez sa pelikula at teleserye sa kasalukuyan tulad nang “The Greatest Love” at ng “Nay” na kalalabas pa lamang.

“Kaya nga gusto ko iba-ibang klaseng nanay. Like sa The Greatest Love, ibang nanay ako na may Alzheimer’s na hanggang saan ako iintindihin ng mga anak ko.”

Magkakaroon pa muli siya ng bagong teleserye na “Hanggang Saan” at pelikula na “Mama’s Girl” kung saan nanay muli ang kanyang gagampanan.