PINAS

Unggoy nahimatay matapos uminom ng kape

Ni: Ana Paula A. Canua

SAMPUNG oras na nawalan ng malay ang isang baby long-tailed macaque matapos nitong inumin ang ninanakaw na brewed coffee sa motorbike ng isang turista.

Agad na nahimatay ang unggoy na ikinabahala naman ng mga nakakita sa Thai capital Bangkok’s Bang Khun Thien district.  Ayon sa mga turista ininom ng unggoy ng   ‘Joe nicked coffee drink’ ng isang turista.  Agad naman na tumawag ng mga beterinaryo ang mga by-standers.

Ayon sa mga  beterinaryo nasa anim na buwan ang lalaking  unggoy na maaring kinopya ang turista sa pag-inom na ikinahimatay nito dahil sa caffeine overdose. Nang magising na, binalik din ang unggoy sa ‘troop’ nito.  Nanawagan naman ang local animal wardens na prutas at gulay lamang ang ibigay sa mga unggoy at iwasan na lamang ang pagpasok ng iba pang pagkain.