Ni: Jimmy Mendoza
ISANG aktibong barangay kagawad at ang kanyang common-law wife ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Misamis Occidental.
Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang suspek na si Jojo Lapur Maghilom, barangay kagawad, nasa watch-listed drug personality;
Ang common-law wife, na si Marivic Basalo Teofilo, Ang dalawa ay naaresto ng mga elemento ng PDEA sa Barangay Northern Poblacion, Baliangao, Misamis Occidental.
Ayon kay Aquino, nasamsam sa mga susupek sa drug operation ang anim na pirasong transparent heat-sealed transparent plastic sachet na umanoy naglalaman ng shabu ,na nasa humigit-kumulang 2 gramo na nagkakahalaga ng Php7,500.00, isang motorsiklo at cellphone.