PINAS

PIPE BOMB : 4 katao, sugatan sa pagsabog sa isang bus terminal sa New York City

Pinas News

PIPE BOMB, apat katao ang naitalang sugatan matapos ang pagpapasabog sa isang pipe bomb ng hindi pa nakikilalang salarin sa bus terminal sa Manhattan, New York City, USA.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek sa pagpapasabog sa naturang lugar na kinilaang si Akayed Ullah, 27 taong gulang at isang Bangladeshi Immigrant.

Iginiit naman ni New York City Mayor Bill De Blasio na hindi magtatagumpay ang sinumang teroristang maghahasik ng kaguluhan sa kanyang lungsod.

Kaugnay nito, naniniwala si De Blasio na mag-isa lang ang suspek sa pagpaplano ng pagpapasabog.