Ni: Wally Peralta
PARA kay Ai-Ai Delas Alas ang kanyang pagpapakasal ngayon sa mister na si Gerald Sibayan ay isang malaking Christmas gift na natanggap ni Ai-Ai. Pagkatapos kasi ng ilang Christmas season na wala siyang asawang nakasama sa kapaskuhan, ay heto at may kayakap na muli siya at hindi na member ng SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.
“Bongga! Siyempre bongga, may kasama na ako,” ang masayang paunang tugon ni Ai-Ai.
Getting along with friends….
Bago pa man magpakasal sina Ai-Ai at Gerald noong December 12 ay paisa-isang nagbigay na ng isang advance wedding party sa kanilang mga matatalik na kaibigan na hindi na nakadalo sa simple and intimate wedding ng dalawa. At isa sa grupo ng mga kaibigan nina Ai-Ai at Gerald na binigyan nila ng wedding party ay mga showbiz reporters na nakasama ng dalawa sa mahabang panahon.
“Ang saya ng pakiramdam na nakasama ko ang aking mga kaibigan sa isang masayang okasyon sa aking buhay. The party was really for them.”
“It was my way of expressing my gratitude to them. Gusto ko rin i-share ang mga blessings ko with my media friends. Nandiyan sila sa simula pa lang ng aking career, noong single pa lang ako, at kasama ko pa rin sila hanggang ngayon sa panibagong yugto ng aking buhay. I believe in love and I believe na may forever sa pag-ibig.”
Magkasundo sa magiging baby…
At siyempre, natural na lang yata sa mga ‘Pinoy na tanungin ang mga bagong kasal sa kung kailan nila planong magkaroon ng baby at kung ilan ang baby na gusto nilang magkaroon? Sa kaso nina Ai-Ai at Gerald, magkalayo man ang agwat ng kanilang edad, si Ai-Ai ay 52 years old ngayon samantalang si Gerald na nagdiwang ng kanyang kaarawan last December 1 ay 23 years old na. ilang kayang anak ang gusto ng dalawa?
Gerald: “Isa lang, gusto ko isa lang, masaya na ako doon.”
“Gusto ko kasi na makaipon muna kami ng misis ko ng pera para sa magiging kinabukasan ng aming anak.”
AiAi: “Ganun na rin ang gusto ko, ha ha ha!”
“Isa pa may mga anak na rin naman ako ngayon na malalaki na.”
Anong gender naman ang gusto nilang mag-asawa sa baby nila, boy or girl?
Gerald: “Kahit anong gender ang ibigay ng nasa Itaas ay okay na okay sa akin.”
AiAi: “Kahit ano basta kung ano ang ibigay ng Diyos sa amin.”
“At kung magiging kambal, Ah, iyon ang gusto ko! Kasi sanay na ako, dalawa yung dogs ko na inaalagaan na mabibigat, kaloka! Kaya marunong na ako, handa ako dun, handa akong magbuhat ng dalawa! Kasi dalawa yung alaga ko, ang bibigat,” ang masayang sabi pa ni Ai-Ai.
Hinto lang pag nabuntis…
Pagkatapos ng kasalan ay walang honeymoon na naganap, postponed na raw ito sa susunod na taon dahilan na rin sa dami ng commitments pa ni Ai-Ai na hindi pa niya natatapos. Tulad na lang ng dalawa niyang show sa GMA-7, ang “Sunday Pinasaya” at “Bossing En Ai”, at ngayon pa nga ay bago siyang tinanggap na teleserye na kung saan ay kasama niya sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
“Ewan ko rin ba kung bakit ko pinagsabay-sabay. Nagkataon lang na pinagsabay-sabay ko kasi para isang bugahan na lang,” paliwanag ni AiAi.
Paano kaya ang gagawin niya kung sakaling mabuntis siya sa kalagitnaan ng kanyang taping sa bagong soap?
“Bigla?! Na may soap? E, di go! Wala naman tayong magagawa,” ang pagtatapos pa ni Ai-Ai delas Alas-Sibayan.
Kamakailan lang ay binuksan ang isa pa niyang bagong bisnis, ang ‘Ai Sarap Food Express’ sa Sgt. Esguerra St. corner Mother Ignacia, Quezon City.
Kaninong idea ang restaurant business?
“Ako rin! Lagi na lang ako! Hindi, ewan ko ba. Kasi, kaya nag-o-open din kasi ako ng business, di ba may plano kaming magka-baby next year so magpapahinga ako pag nabuntis na ako?” pagtatapos ng Comedy Concert Queen na si AiAi.