Ni: Ana Paula A. Canua
ANNE Curtis nais na makatulong sa edukasyon ng mga bata kaya naman nagpatayo ng classroom na tinawag na “Anita” ang aktres.
Hango ito sa karakter sa librong pambata na kanyang sinulat para sa UNICEF, ang Anita, The Duckling Diva.
Sa labas ng klasrom makikita ang napakalaking painting ni Anita upang magsilbing inspirasyon sa mga bata.
“That’s one of my advocacies because I really believe in education for children. I have so much faith and belief in how important education really is for children and we have a lot more plans for Dream Machine.pahayag ng aktres. Sa susunod na taon naman plano niya na tumulong para sa mass wedding .“Pero next year na ‘coz medyo naging hectic ang latter part of the year, but so many things will be happening next year,”
bahagya namang nagulat si Anne dahil hangga’t maaari, ayaw niya ipaalam sa publiko ang kanyang mga charity works, pero nalalaman pa rin ng press.