PINAS

Closed van, nasunog sa ibabaw ng EDSA-Ortigas Flyover

Pinas News

NASUNOG ang isang closed van sa ibabaw ng flyover sa northbound ng EDSA-Ortigas.

Ayon sa Metrobase, nagsimulang magliyab ang closed van na may plakang WJJ 835, dakong 11:57 ng gabi.

Tumagal ng halos 30 minuto bago naapula ng mga bumbero ang apoy bandang 12:30  ng hatinggabi.

Nagdulot ng matinding bigat sa daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA ang naganap na sunog.

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Department ang sanhi ng sunog.