PINAS

DOLE nag-umpisa na sa pamimigay ng OFW IDs 

Pinas News

INUMPISAHAN ng mamigay ng kaunahang government-issued identification cards para sa mga Overseas Filipino workers (OFWs) ang Department of Labor and Employment (DOLE) nakaraang mga araw kungsaan nakatanggap ang ilang limitadong bilang na mga OFWs na nagbakasyon sa bansa para sa Pasko.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, uunahin umano sa naturang serbisyo ang mga bumabalik na mga OFWs at aniya lahat ng mga OFWs ay makatatanggap ng kanilang mga IDs.

Ang naturang mga IDs ay libre para sa mga OFWs bilang regalo sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kontribusyon sa ekonomiya.