PINAS

Duterte malugod na sinalubong ang 34 na mga manggagawang Pilipino

Duterte malugod na sinalubong ang 34 na mga manggagawang Pilipino

Pinas News

MALUGOD na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 34 bilang na mga manggagawang Pilipino sa Clark International Airport mula sa Qatar para sa kanilang bakasyon sa nasasapit na Pasko.

Personal na binahagi ng pangulo sa mga OFWs ang OFWs iDOLE cards, P50, 000 cash, P10, 000 at P3, 000 na halaga na mga appliance packages at mga special tokens.

Ang mga naturang overseas Filipino workers (OFWs) ay napili bilang mga nanalo para sa “the 2017 Pamaskong Salubong Para sa OFW,” isang pagdiriwang na iniorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).