PINAS

Hybrid Electric Train ng Pinas, patatakbuhin na!

Ni: Noli C. Liwanag

MAHUHUSAY ang mga inhinyerong Filipino dahil sa pagkakagawa at pagbuo ng Hybrid Electric Train (HET) sa pamamahala ng Metal Industry Research and Development Center (MIRDC), isa sa labimpitong attached agency ng  Department of Science and Technology (DOST). Ang HET na ginawa ng DOST ay malaki ang maitutulong sa pangangailangan ng bansa sa pangmasang transportasyon.

Inilunsad ng MIRDC ang isang five-coach prototype hybrid electric train (HET) set na posibleng magpapabago at mag-a-upgrade sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Noong 2013, inumpisahang ginawa ang HET project ng mga Pinoy engineers ng MIRDC, kung saan pinondohan ito ng    P120- million, upang makatulong sa mga mamamayan, mag-aaral, at mga manggagawa na araw-araw bumibiyahe at sumasakay ng train.

 

Hindi na kailangang bumili pa ng mga coaches (train) sa ibang bansa o foreign companies dahil kaya na mismo ng mga Filipino na gumawa ng sariling train.

 

HYBRID TRAIN LIGTAS SAKYAN

Ang HET ay may bilis na 60 kilometers per hour (KPH). May limang coach ang isang set, ang bawat isang coach ay kayang magsakay ng 220 pasahero, dahil may pilot coach sa loob na rin nakaupo ang driver, at ang isa ay ginagamit na power coach, na kinaroroonan ng makina nito.

Pinatatakbo ang HET sa pamamagitan ng diesel-electric power system na kinabibilangan ng nakakabit na generator set (kVa) 500 at battery (DVC) 650 at awtomatikong nare-recharge ang battery ng tren kapag hindi ito umaandar.

Bukod dito, mura ang HET kumpara sa mga inangkat na tren at mas mababa rin ang halaga ng pagmamantine dahil gawang Pinoy.

Sa kasalukuyan, ang PNR ay may 12 tren na ginagamit sa Metro Manila at Bicol. Sa 12 tren, pito ang nakabase sa Metro Manila ngunit anim lamang ang bumibiyahe at ang isa ay reserba.

 

HET MAKAKATULONG SA PNR AT GOBYERNO

HINDI lang sa MRT at LRT mala-sardinas ang nararanasan ng mga pasahero maging ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) siksikan din ang mga mananakay ng train mula Tutuban papuntang Calamba (vice versa).

Kung tatakbo na ang Hybrid Electric Train sa riles ng PNR, malaking kaginhawaan sa mga pasahero ang dagdag na isang set ng coaches na malinis, bago at malaking tulong sa mga Pinoy engineer na nakabase sa ating bansa dahil pwede na uli silang mag-develop ng mga bagong coaches na made in the Philippines, hindi na mag-aangkat ang gobyerno ng mga coaches sa ibang bansa.

 

GAP ANALYSIS OVERVIEW

GINANAP kamakailan ang Gap Analysis Presentation ng DOST-MIRDC para sa Hybrid Electric Train sa pangunguna ni MIRDC executive director Engr. Roberto O. Dizon; DOST undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara; MIRDC deputy executive director for R & D Engr. Jonathan Puerto; MIRDC HET Project director Engr. Pablo Acuin at ang mga representative ng Systra Philippines Inc. (SPI) sa pangunguna ni SPI president Maria Rhiza Castillo at Philippe Wessbecher.

Ang SPI ang namahala sa pag-analisa at nagbigay ng initial assessment report sa kalagayan ng HET project sa kakayahan at husay ng elecrtical, mechanical, communication, control system at safety features ng DOST Hybrid Electric Train (HET) Prototype Trainset para sa requirements ng PNR at International Railway Standards.

Ayon kay MIRDC director Engr. Roberto O. Dizon, maaaring patakbuhin ang Hybrid Electric Train byaheng Tutuban, Manila papuntang 5th Avenue sa Caloocan (balikan).

“Malaki ang magagawa ng mga private company na handang makatulong sa gobyerno, kung susuportahan nila ang mga gawang Pilipino,” sabi ni Engr. Dizon.

“The gap analysis classified the modifications/improvements into three (3) levels: the mandatory, the recommended, and those that may be nice to have. The mandatory are safety-related activities which in general include Reliability, Availability, Maintainability, and Safety or RAMS. The braking system and the speed monitoring mechanism are two of the main focus from this category,” sabi ni SPI president Maria Rhiza Castillo

The recommended improvements refers to operation and maintenance related actions. Trains are usually in service for at least 30 years and it is essential for ergonomics and accessibility to be taken into account. Driver’s comfort and ease of access for instance to all vital activators must be well-planned,” dagdag pa ni Castillo

“Comfort-related improvements fall to the third level. These activities provide passengers comfort. The improvement of handrails and poles as well as the reduction of noise level and vibrations are all part of this category,” pagtatapos ni Castillo.

Bukod dito, upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero, plano ng MIRDC na mag-install ng CCTV sa loob at labas ng mga coaches. Ang iba pang mga dapat maisaayos: Bahagyang ibaba ang handrails upang madaling hawakan; Dagdag na poles/stanchions sa bawat dulo ng mga coaches; Passenger Information sa bawat coaches; Check HVAC performance in loaded conditions; Pag-sasaayos ng interior (coach) para sa noise level at mabawasan ang vibration dahil sa motors at compressors; at pagdadagdag ng mga ilaw sa bawat coaches.
Sa pangkalahatang analysis, pasado halos lahat ang bawat parte ng  Hybrid Electric Train.

 

SYSTRA PHIL., PAG-AARALAN ANG AUTOMATED GUIDEWAY TRANSIT
IGINAWAD ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Systra Philippines, Inc. ang kontrata upang magsagawa ng pag-aaral sa  Automated Guideway Transit (AGT) system na dinebelop ng Metals Industry Research and Development Center.

Matatandaan na noong 2010, sinumulan ng DOST-MIRDC ang konseptwalisasyon ng Automated Guideway Transit (AGT) system bilang alternatibong mass transportation kung saan unang itinayo ang prototype AGT noong 2012 sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at noong 2013 sa compound ng MIRDC sa Bicutan, Taguig City.

Ang pre-feasibility study ng dalawang testing sites ay matatapos sa loob ng dalawang taon.

Noong nakaraang Pebrero, ang mga namamahala ng AGT ay bumisita sa General Santos City kung saan ang lokal na konseho ng bayan ay sumang-ayon para sa pilot commercial ng AGT.