PINAS

It’s just another baby boy for Toni Gonzaga and hubby Paul Soriano

 

Ni: Wally Peralta

BAGO pa man matapos ang taon ay naging laman ng negatibong balita si Direk Paul Soriano, mister ni Toni Gonzaga, sa leading lady niya sa pelikulang idinerehe, ang “Siargao”, na si Erich Gonzales. Tsikang may nakaraan daw ang dalawa kung kaya ganun na lang daw ang closeness nila sa isa’t isa habang nagsho-shooting sa isang resort sa Siargao. Ano naman kaya ang naging reaksyon ni Direk Paul sa malisyosong balita na ini-uugnay siya kay Erich?

“I guess kasi yung closeness namin sa set ng “Siargao,” kami nina Jericho Rosales, Jasmine Curtis–Smith at Erich Gonzales,” ang paunang sabi ni Direk Paul.

“Everyday kasi shoot kami ng movie at nagkabondingan din sa isang resort sa loob halos ng ilang buwan, so I guess, nakikita ng tao yung extra closeness namin sa isa’t isa.”

Walang selos factor…

Naging tahimik naman ang kampo ng misis ni Direk Paul na si Toni Gonzaga, kahit pa naging maingay ito. Sa puntong ito parang dedma na lang daw si Toni sa tsikang ‘relasyon’ diumano ng kanyang mister at ni Erich.

“Kaya hindi pinatulan ito ni Toni nang lumabas yung tsika, eh kasi naging kaibigan namin si Erich ni Toni.”

“Si Toni naman kasi ang lakas ng radar niya, saka walang selos sa katawan yang misis ko na yan, minsan nga sinasabihan ko pa yan ng ‘magselos ka naman’ tapos tatawanan lang ako.”

Three more years….

Almost a year old na rin ang anak nila Toni at Paul na si Severiano Elliot Gonzaga Soriano, o Baby Seve for short. May plano na kaya sina Direk Paul at Toni na sundan ang kanilang panganay na anak sa darating na taon?

“Well we want to have another baby for sure pero….”

“Baka naman hindi next year, Baka pag two or three years old na yung panganay namin si Baby Seve.”

Parang ang haba naman ng gap. Almost 3 years, kung yung ibang showbiz couple ay gusto sunod-sunod halos ang age gap ng kanilang anak eh iba naman ang istilo sa pamilya ni Direk Paul?

“Kasi we want to enjoy na muna si Baby Seve, actually yung peg namin ay yung gap nina Toni at ng kapatid niyang si Alex Gonzaga. Years din ang gap nila.”

“At least kuya na kuya na ang dating talaga ni Seve kung dumating na nga yung kanyang magiging kapatid. And definitely we want to have another child.”

“Isa pang dahilan kung bakit gusto namin ni Toni na matagal bago sundan si Baby Seve, eh kasi itong si Toni ay nag-eenjoy sa kanyang hosting job sa ABS CBN 2,  kung magbubuntis siya ngayon o next year ay mawawala na naman siya sa limelight ng a year or so. Gusto kasi ni Toni na magtrabaho muna, taping ulit. Kaya ayun, mga three years na si Baby Seve, bago ulit kami mag-try.”

It’s a boy

Kung mabibigyan ng chance si Direk Paul na mamili ng gender ng susunod niyang magiging baby, ano kaya ang feel nila ni Toni, girl na by this time since may baby boy na sila or another boy?

“Ako, boy ulit!”

“If you ask me. Gusto ko talaga sana ay boy ulit yung susunod naming baby. Im over protected father kasi, sa boy, imagine kung magiging girl yung baby ko, baka maging bad dad ako, ha ha ha ha ha…”

“Protective ako, lalake rin ako, kaya alam ko ung kilos ng mga lalake, pag babae, ang hirap siguro… ha ha ha ha….”

“At kung tatanungin kung ilang anak ang gusto ko, actually gusto ko lang dalawa!”

“Kahit wala nang girl, sorry na lang ang girl, ha ha ha ha… si Toni na lang ang girl sa aming family, saka si Alex pala, madalas din siya dumalaw sa bahay saka nag-aalaga ng kanyang pamangkin.”

Hands on

Sa pagiging over protective father ni Direk Paul, siya kaya ang hands-on pagdating sa pagpapalaki ng kanilang anak ni Toni?

“Hindi naman, si Toni talaga ang hands-on sa aming kid. Pero pag wala si Toni, ako naman yung nagiging hands-on. Salit-salitan kami,” pagtatapos pa ni Direk Paul Soriano.