PINAS

Mas pinahigpit na seguridad sa QC, inilatag ng QCPD

Ni: Jun Samson

INILATAG na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mahigpit na seguridad sa Lungsod ng Quezon lalo na mga mataong lugar para sa paghahanda ng kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa eksklusibong panayam ng DZAR Sonshine Radio kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, mas dinoble nila ang nilatag na higpit na seguridad sa buong Quezon City laban sa mga masasamang elemento ng lungsod at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat indibwal.

kabilang sa mga imo-monitor ng mga miyembro ng qcpd ang mataong lugar tulad ng mall, MRT at LRT stations, bus terminals , subdivision, at villages ng lungsod.

Ayon kay Eleazar, kailangan din nila ang tulong ng publiko para sa kapayapaan ng lungsod,  pagbibigay impormasyon sa mga kahina-hinalang tao at mga gumagawa ng ilegal sa lungsod.