Ni: Edmund C. Gallanosa
PASKO anila ang pinaka-masaya, masarap, malamig na panahon sa buong taon. Para ito sa lahat ng—magsing-irog, magkakaibigan, higit sa lahat, sa mga kapamilya at kamag-anakan. Regular nang puntahan ang mga naglalakihang tiangge, baratang pamilihan, mga perya, hindi mawawala sa listahan ang mga malls, at restaurants sa panahon ng kapaskuhan.
Sa may nais pumasyal, bisitahin natin ang mga kakaibang lugar na mala-out-of-this-world ngayong buwan ng Pasko. Ang mga lugar na babanggitin natin ay talaga nga namang kapana-panabik at kakaiba ang handog na karanasan sa bawat magiging bisita nito. Out of this world experience ang tuluyang makakamtan. Kaya naman kung hindi suliranin ang budget sa pagbyahe, tara na! Simulan na ang biyahe.
The SnowCastle of Kemi
Nakasubok ka na bang kasama ang mga mahal sa buhay na magpasko sa isang ice castle? Opo, literal na castle na gawa sa yelo! Mga natural works of art sa mga bansang may winter climate at ginagawa na ngayong tourist attraction ang pagkakaroon ng isktrakturang gawa sa yelo, na inayon hindi lamang pagmasdan, kung di tirahan na parang hotel, restaurant na puwedeng mag-order at kumain, at pinaganda ang itsura bilang pasyalan na rin. Sa listahan natin ay highly recommendable ang Snowcastle ng Kemi, sa Kemi, Finland. Nagsimula ang atraksyon na ito taong 1996.
Nasa 20 Euros ang entrance fee rito para sa mga adults; 12 Euros sa mga bata, at libre na ang mga bata below 4 years old. Ang mga halaga naman ng pagkain sa mga restawran nito ay parehas din halos sa ibang mga restaurant sa labas.
Mystery Houses and Spot—Oregon Vortex sa Oregon at Santa Cruz Mystery Spot sa Santa Cruz, California USA.
Siguradong mag-e-enjoy ang buong pamilya o barkadahan sa lugar na ito. Matatagpuan sa Oregon USA, ang bahay na ito ay literal na ‘out of this world’ ang experience rito. Ang mystery house ng Oregon Vortex, animo’y barong-barong na niluma na ng panahon, bagama’t tabingi na ang pagkakatayo, kapag pumasok ka sa loob, mananatiling deritso pa rin ang mga bagay-bagay dito at hindi natutumba, ang maliliit na bagay tulad ng bola o tubig, na dapat ay pababa ang gulong o agos, ay kataka-taka paakyat ang daloy. Sadyang kanais-nais bisitahin ang lugar na ito. Nagkakahalaga lamang ng $13.00-$15.00 ang entrance fee sa lugar, kada tao. Maaari ring bisitahin ang mystery spot sa Santa Cruz Mystery Spot sa Santa Cruz, California, na may ganoong effect din sa mga bisita. Nagkakahalaga lamang ng $8 ang entrance fee kada tao sa lugar na ito.
Durango, Colorado USA
‘A snowy Christmas with an Aspen attitude’ ang ‘the best’ na description sa lugar na ito. Huwag nating kakalimutan ang Western classic touch dito—tumuloy sa Rochester Hotel upang maranasan din ang ‘cinematic past’ na dala ng lugar na ito. 15 kwarto na nagtataglay ng mga western memorabilia na ginawa sa nasabing lugar, mula sa pelikulang ‘Viva Zapata’ hanggang sa pelikulang ‘Around the World in Eighty Days.’ Isang byaheng balik-tanaw sa nakaraang kontribusyon ng lugar na ito sa larangan ng pinilakang-tabing.
Lapland, Finland
Isang real-life ‘Winter Wonderland’ ang lugar na ito, mangyaring bisitahin ang Urho Kekkonen National Park mula sa Helsinki, Finland. Maranasang bumyahe sa frosty landscape ng lugar na ito gamit ang reindeer-pulled sled. Ayon kay traveler Bree Sposato, maaari kayong mag-stay sa igloos ng Hotel Kakslauttanen na gawa sa thermal glass—kaya hindi mangangatog sa habang pinapanood ang northern lights, sa kalangitan.
Four Seasons Resort Hualalai (The King’s Pond)
Sa panahon ng kapaskuhan, nais ninyo bang tunay na maging iba at magtampisaw at lumublob sa sariling mong ‘aquarium’ kasama ang buong pamilya? Kung gayon, subukan ang Four Seasons Resort Hualalai at ang kanilang ‘King’s Pond.’ Ikinukunsidera na pinaka ‘colorful’ na saltwater aquarium, may 4,000 na isda ang lumalangoy sa loob nito at maaari kang sumabay sa kanila hanggat hilig mo. Exciting ‘di ba? Matatagpuan ito sa isla ng Hawaii. Naglalaro ang accommodation dito mula sa halagang $920 hanggang $2,040 depende sa mga aktibidades at lodging na iyong kukunin.
Ilan pa sa mga kaaya-ayang banggitin ang mga sumusunod:
Tromso, Norway
Ang isla ng Tremso ang pinaka-magandang lugar puntahan upang masilayang mabuti ang northern lights, o ang mala-magical na northern lights—ang bright dancing lights ng aurora na makikita lamang malapit sa magnetic poles ng Northern at Southern Hemisphere. Maaari mo nang maipagmalaki na nagpunta na kayo ng North Pole sa panahon ng kapaskuhan.
Stone Mountain Park, Georgia USA
Mala ‘real life’ Disney tour ang dating nito, ang most popular tourist attraction sa Georgia USA ay may lawak na 3,200 acre at angkop sa mga nature lovers, history buffs at thrill-seekers. Matutunghayan ang pinaka-malaking high-relief sculpture sa buong mundo, na inukit sa boulder sa gilid ng bundok. Maaaring malibot ang lugar sa pamamagitan ng mala-Disney na tren na siguradong magugustuhan ng mga bata, o libutin ang lugar nang palakad o abutin ang taas ng bundok sa pamamagitan ng cable car.
Noah’s Ark Animal Sanctuary
Sa mga pamilya namang mahilig sa mga alagang hayop, maaaring magpaskong kapiling ang mga hayop sa lugar na ito. Ang main attraction dito ang kilalang BLT, o ang tatlong magkakaibigan hayop, si Baloo the bear, Leo the Lion, at Shere Khan the tiger. Makikita ang tatlong natutulog nang magkasama, kumakain at naglalaro kasama ang isa’t isa, sa tuwa ng mga manonood. Donasyon lang po ang kailangan upang makapasok.
Vienna, Austria
Christmas at Vienna! Ibang Christmas spirit ang mararansan sa lugar na ito. Maranasan ang kapaskuhan sa paglilibot-libot sa mga maluluwag na kalye na hitik sa mga local products ng mga lokals ng lugar, at huwag kakalimutang tikman ang mga ito. Ang mga magagarang istraktura na pinagtibay na ng panahon, samahan mo pa ng magaganda at makulay na Christmas tree at lights, siguradong magiging kaaya-aya ang inyong pasko ngayong taon.