PINAS

Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa militar sa Sulu

Pinas News

MIYEMBRO ng teroristang Abu Sayyaf  Group (ASG) sa Sulu SUMUKO sa militar.

Kinilala ang sumukong ASG member na si Hussin Aranan alyas ‘Friend’, na kilalang tagasunod ni ASG Sub-Leader Asbi Misuari Alyas Imbo.

Kasamang isinuko ni Aranan ang isang M-16 Rifle, magazines at ammunition.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander B/Gen. Cirilito Sobejana, ang pagsuko sa gobyerno ay upang mamuhay siya ng normal at makasama ang kanilang pamilya.