PINAS

Paano nga ba ang maging mabuting kapit-bahay?

Ni: Ana Paula A. Canua

SINO pa ba ang magtutulungan sa oras ng emergency? Kapag may kalamidad, baha, power at water interruption, sino ba ang magbabalitaan?, Syempre ang inyong kapit-bahay. Ang maayos na relasyon ng mga magkakapit-bahay ay nagdadala ng masaya at maayos na komunidad. Narito ang ilan sa mga paraan upang maging mabuting kapit-bahay at kaibigan.

  1. Ipakilala ang iyong sarili. Lalung-lalo na kung ikaw ay bagong lipat. Maaaring magbigay ng welcoming gift tulad ng homemade pies habang tinatanong ang tungkol sa inyong lugar o kung hindi naman kaya ang simpleng ngiti at pagbati sa tuwing makikita sila bilang senyales ng maayos na samahan.
  2. Isaalang-alang ang lifestyle at pamumuhay ng inyong kapit-bahay. Obserbahan kung may kasama ba sila sa bahay lalung-lalo na ang mga matatanda o bata. Mahalaga ito lalung-lalo na upang makagawa ka ng adjustments gaya ng pag-iwas na pagpapatugtog ng malakas.
  3. Alamin kung ang dingding niyo ba ay shared walls. Mahalaga ito lalung-lalo na kung nakatira kayo sa apartment type at Upang maiwasan ang pang-iistorbo sa kanila sa ingay na maari ninyong magawa. Tiyakin na hindi nakadikit sa ‘shared walls’ ang washing machine, TV at speaker.
  4. Maging responsableng pet owner. Tiyakin na may tali ang inyong aso kapag lalabas at iwasang pumunta sila sa bakuran ng inyong kapit-bahay. Linisin din ang dumi na kanilang iniwan. Sawayin din ang alaga kung tinatahulan nito ang inyong kapit-bahay ng walang dahilan.
  5. Makipag-usap. Magandang simula ang pag-usapan ang balita malapit sa inyong lugar gaya ng krimen, reschedule ng pagdaan ng truck ng basura o kaya ay imbitahan sila sa kasiyahan sa inyong tahanan, kung tanggihan nila mainam na magbigay na lamang ng handang pagkain .
  6. Maging malinis. Tiyakin din na malinis ang inyong tapat.
  7. Kung mag babarbeque o kaya ay magsisiga ng basura, siguraduhin na kontrolin ang usok.