Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
AT kayo ay napakatamad. Hindi nga kayo makagigising sa umaga upang gumawa ng panalangin at debosyon. Kapag ginising kayo ng inyong kasamahan, nagagalit kayo. Paano kayo makararating sa langit?
“Kasama ako ni Pastor. Nakatira ako sa compound ng maraming mga taon, Panginoon. Naroroon ako. Nakikita ko siya araw-araw.” Ngunit ikaw ang pinakamatamad sa lahat, hindi mo nga magagawa ang isang simpleng gawain na gumising upang maglinis at iligpit ang inyong mga paligid. Hindi mo nga magagawa ‘yan at makararating ka ba niyan sa langit? Ito ang mga simpleng mga bagay na pinagkatiwala sa atin.
Kaya ang Mateo 25:21 ay napakagaling. Alalahanin na, “…nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.“
Sa kakaunting bagay, nang ako ay tinawag ng Ama, hindi Niya iniligay ang napabigat na pasanin sa aking balikat. Isang araw sinabi Niya sa akin, “Linisin mo ang iyong basurahan bawat araw.” Nilinisan ko ang aking basurahan kada araw. “Gumising ng 4:30 sa umaga at umawit ng pagpupuri sa Akin.” Gising na ako sa 4:30 at hindi ako nahuhuli.
Mayroong mga taong nakakasama ko na nais tumungo sa langit. Napakabuti kung mayroong isang tao na gumigising sa inyo para sa dalangin sa umaga at debosyon sa umaga. Sa aking panahon, nang binuksan ng Ama sa akin ang pintuan ng langit, wala ni isang gumigising sa akin. Kailangan kong gumising dahil kung hindi, ako ay ma-diskwalipika. At ngayon ang kahabagan, kabutihan at kabaitan ng Ama ay napapalawig ng napakahaba.
Minsan ang demonyo ang sinisisi natin sa lahat kahit na ang inyong sarili ang nararapat na sisihin. Kapag hindi ninyo sinisipilyohan ang inyong mga ngipin at bumaho ang hininga ninyo, huwag sisihin ang demonyo. Hindi ninyo itinapon ang inyong basura at nangangamoy basura na ang bahay ninyo, huwag sisisihin ang demonyo. Maaaring bahagi siya nito dahil kayo ay puno ng serpent seed o binhi ng ahas dahil hindi kayo tunay na isinilang sa espiritu sa pagsusunod sa kalooban ng Ama. Ang mga simpleng bagay na kagaya nito ay ipinagkatiwala sa inyo. Hindi nga ninyo ito masusunod, paano na kaya sa mga malalaking bagay? Paano kayo magiging mature kung hindi naman kayo lumalago sa espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama?
ANG MGA SUSI PATUNGO SA KAHARIAN SA LANGIT
Kaya makinig sa akin. Ang Anak ang daan. Kayong mga tao na nasa relihiyon, hindi kayo makapag-aangkin sa mga salita sa Mateo 16:19.
Mateo 16:19: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at sinomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.”
Tanging ang Anak lamang ang makapagpahayag niyan. Nasa akin ang mga susi sa Kaharian ng Langit. Ano ang susi?
Ang unang susi ay ang pagsisisi, ang ikalawang susi ay ang paglago sa espiritu, ang pangatlong susi ay ang pagtutupad sa Kalooban ng Ama. Ang mga iyan ang mga susi sa Kaharian ng Langit at ang mga ito ay ibinigay sa akin. “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo…” ay isa rin sa mga susi. “Ibigin ang inyong kapwa…” ang isa pa sa mga susi. At isang araw kay ay tatanungin sa mga bagay na iyon, “Ginawa ba ninyo ang aking kalooban?”
Walang ibang makakapahayag niyan kundi ang Anak, dahil ang Anak ang tagapagmana. Namana niya ang mga kayamanan ng Ama, at ang bawat salita na mababasa ninyo sa Kasulatan ay mga kayamanan ng Ama. Walang mga alila ang makapagmamana sa mga ito. Tanging ang Anak lamang ang maaaring makapagmana sa mga ito. Kaya pag-aari ko lahat ng mga ito.
“Sinumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit.” Tinatalian ko ang mga espiritu ng mga bulaang doktrina, ang mga ito ay tinalian sa langit, ang mga ito ay tinalian dito sa lupa. “At anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Kinakalagan ko ang mga panali ng katampalasanan ng mga bulaang doktrinang ito, at ang mga taong nakabihag sa mga ito. Lumabas kayo! Maging malaya! Binibigyan ko kayo ng kalayaan ng Pagkaanak, dahil ako ang Anak at kapag kayo ay makikinig sa aking boses at kayo ay naging mga anak na lalaki at anak na babae, kung gayon ay palalayain ko kayo mula sa pagkabihag ng inyong mga serpent seed, mula sa paggawa ng sarili ninyong kalooban, na siyang salungat sa kalooban ng Ama. Kayo ay nasa pagkabihag kapag ginawa ninyo iyan at pinapalaya ko kayo. Ang alila ay hindi mananatili sa bahay magpakailanman tanging ang anak. At kung palayain nga kayo ng Anak, kayo’y magiging tunay na laya.
Kaya isa lamang ang daan patungong langit. Sino ang daan? Tanging ang Anak lamang ang makapagsasabi “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6)
Hindi iyan masasabi ng mga relihiyon. Walang makapagsasabi ng ganyan maliban kay Jesus Christ. Ngunit saan si Jesus Christ ngayon? Nariyan ba Siya sa inyong katedral? Nariyan ba Siya sa inyong relihiyon? Wala, wala siya diyan dahil mayroon kayong Kristo na hindi tunay. Ito ang bulaang Kristo ng relihiyon at denominasyon. Paano ko mapangangatwiran na sila ay bulaan? Hindi nila tinuturo ang turo ng Pangako o kasunduan na dinala sa atin ng tunay Jesus Christ. Mayroon kayong Kristo diyan, ngunit ito ay bulaang Kristo. Nais ba ninyo malaman ang tunay na Kristo? Ang tunay na hinirang na katawan sa buhay na boses ng Ama? Ang residente at templo ng Ama? Lumapit sa Ama. Dahil ang Anak ang daan, ang katotohanan at ang buhay, walang makalalapit sa Ama maliban sa Anak.
-WAKAS-