NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
2 Pedro 2: 1: “Ngunit may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.”
Tatanungin ko kayo ng simpleng tanong. Naniniwala ba kayo sa Holy One o Holy Three?” Bilyon-bilyon ang magsasabi, “Holy Three.” Kayong bilyon-bilyon na mga tao na tinatawag ang sarili na mga Kristiyano, kayo ay nalilinlang ng bulaang propeta at bulaang apostol na tinawag na si Athanasius. Ang tagapag-udyok ninyo ay si Constantine the Great, ang paganong emperador ng Roma na siyang gumawa ng mahusay na ideyang pulitikal upang pag-isahin ang Empero ng Roma sa panahon nang ang mga tagasunod ni Jesus Christ ay naging malaking problema sa empero. At ito ang nagdala ng nakasusuklam na mga heresiya na inyong itinuro. Bawat isa sa inyo sa relihiyon at denominasyon, kayong lahat ay mga bulaang propeta at bulaang mga guro dahil ang Holy Trinity ay hindi itinuro ni Jesus Christ, ang tinawag ninyong tagapagligtas.
2 Peter 2: 2: “At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay…”
Ang isang bilyon ay napakarami.
“…na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan.”
Narito ako. Sinasabi ko ang katotohanan. Sinabi ko, “Hindi ito Holy Three, ito ay Holy One” ayon sa Pangako. Ngunit pinagsalitaan ninyo ako ng masama. At ang lahat ng ito ay natupad. Inakusahan ninyo ako ng mali. Kaya kayo ay tinawag na mga bulaang propeta, mga bulaang tagapag-akusa na gumagawa ng mga maling akusasyon, mga bulaang guro ng bulaang mga doktrina na gawa ng mga tao. Hindi ang pagturo ng batayan ng kaligtasan na siyang kalooban ng Panginoon, na siyang Pangako, na ngayon ay siyang pinapangaral ko. Ako ang naging katuparan nang ako ay naging ang Hinirang na Anak ng Panginoon. Ngayon ay hahatulan ko kayo. Pinapangaral ninyo ang Holy Three, isang bilyon sa inyo ang sumusunod sa daang mahahalay. At nagsalita kayo ng masama sa katotohanan na aking dinadala sa mundo ngayon.
Ngunit hindi ako natatakot. Hindi ako nangangamba. Wala akong pangamba o pabor sa sinuman. Hindi ko tatakpan ang salita. Hindi ko babaguhin ang pangako. Hindi ko ito isasantabi. Ipadadala ko ito gaya nang ipinadala ito sa akin ng Dakilang Ama nang Kanya akong tinuruan sa dalawang bundok sa anim na taon. At narito akong nananatili sa pagsasalita sa mga Salita ng Pangako na tayo, ang kanyang mga mamamayan ay sumunod sa lahat ng dako.
Pinahayag ng Ama ang Kanyang sarili sa akin, hindi isa, kung di maraming beses, at pinag-isa ko ang mga kapahayagan hanggang ang isang buong larawan ay naging malinaw. At narito ako upang ipadadala ito ngayon sa mundo.
MATAPAT SA MGA IPINAGKATIWALA NG AMA
Naging matapat ako sa iilang mga bagay na Kanyang ipinagkatiwala sa akin. Una, nang sinabihan Niya ako ng isang sekreto, na ang isang bronseng kalderon na pinakita sa akin ng Ama, kung saan ang isang bahagi ng bunganga ng kalderon na ito ay may nakasulat na English at malaya kong sasabihin ito: “Strive to Rhyme for Unity” ngayon sa administrasyon ng Ama sa pamamagitan ng Anak. Ngunit sa kabilang bahagi ng kalderon ay isang salita na isinulat at inatasan akong hindi ito ibunyag sa sinuman. Hanggang ngayon ay nananatili ang atas.
Ako ay pinagkatiwalaan diyan. Hindi ko alam kung may anumang kahulugan ang salita dahil hindi ko natagpuan ang salita sa saanmang mga lengguwahe na nalalaman ng tao, gayunpaman, hindi ko ito maibubunyag. Hindi ko ito maibubunyag dahil ito ay pinagkatiwala sa akin. Malamang sinubukang tingnan ng Ama kung mapagkatiwalaan ako sa iilang mga bagay, kung ganoon ay makapagtitiwala Siya sa akin sa maraming mga bagay. At ako ay pinagkatiwalaan niyan sa kalagitnaan ng aking pamamalagi. Wala pa nga ako sa aking Tamayong, ngunit ibinigay na Niya sa akin ang sekretong iyan na hindi ko maibubunyag.
Ito ay natutupad sa Mateo 25:21, na nagsasabing, “Sinabi sa kanya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon.”
Nagpasalamat ako sa Ama dahil ako ang inyong modelo at ihemplo para sa mga pagtitiwala na inilagay ng Ama sa ating mga kamay. Tayo ay responsable nito. Huwag hayaan kahit isang simpleng kapahayagan, isang simpleng instruksyon ang maguguho dahil ito ay pinagkatiwala sa atin. At ang pamantayan ng Ama ay laging nalalaman sa lahat ng Kanyang mga mamamayan.
Halimbawa, ang pagkamasinop at ang pagkamalinis ay napakasimple. Ngunit kung kayo ay isang Kingdom Citizen ngayon at isang araw ang inyong pangalan ay hindi matatawag at sasabihin ninyong, “Ako ay isang Kingdom citizen, bakit hindi ako natawag sa kagalakan ng Panginoon?”
Ngayon bilang Kingdom citizen, marami kayong nagawang mga bagay, ngunit isang bagay na ito ang hindi ninyo nagawa. Kayo ay tamad, hindi kayo malinis. Hindi ninyo nalalaman ang pagkamasinop at pagkamalinis sa inyong buhay. Napakasimple nito ngunit hindi ninyo alam ang kalinisan. Pinangaral ko na iyan sa inyo at ako ang inyong modelo. Lahat ng nilikha ko ay halimbawa ng pagkamasinop at pagkamalinis dahil iyan ang pamamaraan at kultura ng Kingdom kung saan ang Ama ay naluluwalhati. Isipin niyo lang! Dahil lamang sa inyong katamaran at hindi ninyo nalalaman kung paano maglinis, hindi kayo makararating sa langit! Ito ay bahagi ng Pangako. Ang hindi malinis ay hindi makararating sa langit.
Sinabi Niya, 2 Taga-Corinto 7:1: “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.”
Hindi lamang ito sa karumihan ng espiritu na siyang ang binhi ng ahas, ngunit maging ang karumihan sa laman. Kapag ang amoy ninyo ay mabaho, hindi kayo makararating sa langit, kayo ay makararating sa impiyerno. Kabilang sa karumihan sa laman ay ang inyong mga pamamahay. Kinabilangan ito sa lugar kung saan kayo naninirahan. Ang ating katawan ay itinuring na templo ng espiritu ng Dakilang Ama at kayo ay naninirahan sa silungan ng baboy na kung saan kahit ang mga hayop ay maaaring kumiwal-kiwal upang mabuhay. Akala ninyo makararating kayo sa langit?
(itutuloy…)