Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
NAPAKASIMPLE lamang nito ngunit ginawa ninyong kumplikado para sa mga taong naghahanap ng katotohanan. Ngunit, nagpapasalamat ako sa Ama, ang Kanyang mapagmahal na kahabagan ay nagdala ng isang Hinirang na Anak, itinatag ang Bansang Kaharian na ngayon ay bukas sa lahat ng tunay at tapat na mga anak ng Ama na naghahanap ng kanilang kaligtasan. Ito ang ginagawa ko ngayon sa mundo.
Tingnan kahit sa Juan 1:5, ang mga pintuan ng langit ay bukas at ang Anak ang pintuan patungong langit.
ANG ANAK ANG DAAN
Juan 1:51; “At sinabi niya sa kanya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao.”
Bakit ginagawa ito ng mga anghel? Dahil ang Anak ang pintuan ng langit. Ang Anak lamang ang makapagsasabi, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6)
Ang relihiyon at ang denominasyon ay hindi makapagsasabing, “Ako ang daan.” Nagkunwari silang maging mga daan sa pagsasabi na ‘Si Hesu Kristo ay nasa amin. Kami ang tunay na daan.’ Ngunit kapag pumunta kayo doon at hanapin si Jesus Christ, kanilang ipresenta ang ibang Jesus Christ. At maraming mga tao ang nalinlang dahil mukha silang relihiyoso.
Huwag malinlang. Makikilala ninyo si Jesus Christ sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga salita. Kaya sinabi Niya sa Juan 5:39 “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” Makikilala ninyo Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Makikilala ninyo Siya sa Kanyang mga katangian, sa Kanyang banal na katangian. Kaya mananatili tayo sa mga salita ng Ama at huwag baguhin ang mga ito. Ang Anak ay nanagumpay at ang Anak ay narito upang magbigay ng daan para sa inyo.
ANG PINTUAN PATUNGO SA IMPIYERNO
Tingnan ang mga pintuan ng impiyerno. Ang mga pintuan ng impiyerno ay ang mga lider na siyang gumagawa sa mga tao upang magkasala.
Isaiah 9:16; “Sapagka’t silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.”
Kayong mga lider ng denominasyon at relihiyon, mabigat ang pananagutan ninyo sa mga kaluluwang ito. Kayo ay may mga malalaking responsibilidad sa inyong mga balikat. Maaari kayong makararanas sa mga bunga ng inyong panlinlang sa mga ignoranteng tao, ngunit nasa inyong mga balikat ang kanilang eternal na kaluluwa. Ang eternidad ang kakaway sa inyo upang panagutan ang paglinlang na ginawa ninyo sa mga taong ito na naniniwala sa inyo dahil nagkunwari kayong siyang magdadala sa kanila patungo sa kaligtasan.
Upang makaligtas kayo sa kaparusahan sa impiyerno, makinig sa akin kayong mga lider, sinoman kayo. Makinig sa akin dahil dinadala ninyo ang mga taong ito sa kapahamakan. Maaaring hindi ninyo ito nalalaman, ngunit ang iba sa inyo ay napakikinggan ang aking mga salita at pagtuturo at hindi ko gawa-gawa ang anumang mga salita. Kapag sinabi ko ang katotohanan patungkol sa Salita ng aking Dakilang Ama, wala akong takot o pabor. Bawat tao ay tatayo sa harap ng paghuhukom at magbibigay sila ng talaan ng kanilang sarili. At ano ang sasabihin ninyo kapag ang Ama ay magtatanong sa inyo, “Ginagawa mo ba ang aking kalooban?” Hindi ninyo masasagot Siya dahil gumawa kayo ng sarili ninyong kalooban. At pagkatapos ay ginamit ninyo ang Salita ng Panginoon bilang pantakip sa inyong kalooban. Inyong isiniksik ang mga pantaong rebisyon na tinawag kong bylaws. At mas binigyan ninyo ng diin ang inyong pantaong bylaws at mga konstitusyon kaysa sa Salita ng Dakilang Ama, na ginawa ninyong walang bisa. Iyan ang sinasabi sa Salita – “Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali’t-saling sabi.”
Marcos 7:13: “Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali’t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang mga maraming bagay na kawangis nito.
Ngunit ngayon ay tinawag Niya ako, at hindi ko ipinakilala ang anumang pantaong bylaws sa inyo. Pinapakikilala ko sa inyo ang mabisang mga Salita ng Pangako, ang patunay ng aking Dakilang Ama, na siyang susundin ng lahat ng nais makapasok sa Pangako, sa kasunduan.
Ito ang makapagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao at mga anak ng Ama na siyang tumungo sa Pangako. Ito ngayon ang nagpakikilala sa atin. Hindi ang mga batas ng tao, ni ang mga tradisyon ng tao; ito ang mga batas ng Dakilang Ama, ang Kanyang Kalooban, ang Kanyang Salita na siyang naglalarawan ng ating banal na katangian. Kaya nagpasalamat ako sa Dakilang Ama na ngayon ay mayroong malinaw na daan patungo sa kaligtasan ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng Hinirang na Anak.
ANG BULAANG MGA DOTRINA, PAGTUTURO AT BULAANG KRISTO
Mag-ingat dahil nang ako ay humayo at pinakilala bilang Hinirang na Anak ng Dakilang Ama, sa pamamagitan ko rin dahil ako ang Kanyang naririnig na boses, inakusahan nila ako sa maraming mga bagay. Kanila akong tinawag sa maraming mga pangalan; kanila akong tinawag na isang bulaang Kristo, isang bulaang propeta. Hindi ako maabala kung tawagin ninyo ako niyan, ngunit tatanungin ko kayo, “Saan ako naging bulaan?” Sinabi ninyo, “Naging bulaan sa pagpapahayag na ikaw ay isang Hinirang na Anak.” Ano pala ang itatawag ninyo sa inyong sarili kung nais ninyong tumungo sa langit? Alila? Alipin? Sinabi ninyong kayo ay mga born again. Kung kayo ay mga born again sa espiritu, dapat mga anak kayo na lalaki at babae ng Panginoon. “Oo, kami nga…” Ngunit gumawa kayo ng sarili ninyong tatak. “Gagawa tayo ng sarili nating pangalan.” Anumang pangalan niyan, maglalarawan ito kung sino kayo at ng inyong relihiyosong denominasyon. “Ako ay isang Katoliko, ako ay isang Baptist, ako ay isang Methodist.” Wala ni isa sa pangalan ang makararating sa langit. Alam niyo ba kung sino ang makararating sa langit? Tanging mga anak na lalaki at anak na babae lamang ang makararating sa langit –mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama. Ito ay hindi bulaang doktrina, ito ay ang tunay na doktrina. Ang bulaang doktrina ay kapag sinabi ninyong, “Ang aming relihiyon o denominasyon ay makararating sa langit.” Hindi ninyo iyan matatagpuan sa kasulatan.
Pangalawa, ano ang tinuro ng inyong denominasyon at relihiyon? Halimbawa sinabi ninyo, “Tinuro namin ang Holy Three o ang Holy Trinity.” Iyan ay isang nakapapahamak na heresiya na ginawa nakaraang 325 AD sa Nicean Council, ni Athanasius, sa panghihimok ni Constantine the Great, ang paganong emperador ng Romanya. Ang Holy Three ay wala sa kasulatan. Sinumang nagtuturo ng ganyang doktrina ay isang bulaang propeta, isang bulaang guro. Sinasali ninyo ako sa ganitong mga salita dahil ako rin ay nangangaral, ngunit tingnan natin kung ako ba ay isang bulaan o hindi. At tingnan natin kung kayo ba ay bulaan o hindi.
(itutuloy…)