PINAS

Sarangani province, niyanig ng magnitude 5.2 na lindo

Pinas News

NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang Sarangani Province, bago mag 9:00 kagabi.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang centro ng lindol, 236 kilometro Timog-Silangan ng Saranggani at may lalim ito na 12 kilometro.

Tectonic naman ang origin ng naturang lindol.