PINAS

Techno Christmas: Regalong super hi-tech para sa inyong mahal sa buhay

 

Ni: Edmund C. Gallanosa

EXCITING ang Pasko ngayong taon.  Bukod sa pagbibigay pagpapahalaga sa kapanakan ng ating Panginoong Hesukristo, ito rin ang panahon ng pagbabalik tanaw sa mga nagdaang buwan, gunitain ang magagandang alaala, kalimutan ang mga ‘di magandang pinagdaanan, magpatawad sa kapwang nagkasala sa atin.

Marahil ang karamihan sa atin ay pinakakahihintay ang pagkakataong magkaabutan ng mga regalo—mapabata man o may edad na, ito ika nga ang ‘best part of the season.’  Ngayong panahon ng mga millenials, marami sa atin ang nag-aantay nang makatanggap ng ‘something techie’ na regalo—mga gadget na kinagigiliwan sa kasalukuyan at tunay nga naman napakabilis ng pag-advance ng pagiging ‘hi-tech’ nito.

Sa aming pagsasaliksik, ito ang listahan ng ilan sa ‘da best’ hi-tech gadgets na sulit ipang-regalo, sa ating mga mahal sa buhay.  Muli, kung hindi naman problema ang budget, mamili na sa mga babanggitin namin na tunay talagang kaaaliw-aliw at kabilib bilib na techie gadgets.

Gnarbox Portable Backup and Editing System

Sa mga on-the-go lagi  na mahilig sa photo at video editing, ito naman ang nararapat sa inyo.  Maaari ninyong balikan ang inyong footage para sa mabilisang editing at uploading.  Kapag meron ka na nito, hindi na mangangailangan maghagilap pa ng laptop o external hard drive para sa gawain lalo na hinggil sa video editing.  Higit-kumulang na 15,000 pesos ang halaga nito.

Meccano M.A.X. Robot

Para sa mga bata, at nag-iisip bata, ito naman ang maituturing na ‘future robot companionship.’  Kaaliw-aliw ang robot na ito na salamat sa artificial intelligence na taglay nito, maaari mo itong kausapin, makipag-tawanan, pasayawin—animo’y may sarili ka nang ‘R2D2’ sa inyong tahanan.  Siguradong patok ito sa inyong tahanan.  Kung walang makausap sa bahay, andiyan na si M.A.X. Robot!  Nasa pagitan ng 7,000 hanggang 9,000 pesos ang halaga nito.

Kindle Oasis

Sa mga mahal natin sa buhay na mahilig pa ring magbasa ala ‘book worm’ ika nga, ito ang bagay sa kanila.  Ang Kindle Oasis ang pinakamahusay na e-reader sa merkado, mala-tablet ang porma, manipis, mataas ang resolution, higit sa lahat, ito ay glare free, kaya’t anumang posisyon ng pagbabasa ay hindi magiging sagabal ang reflection ng anumang malinaw na bagay.  Mistulang nagbabasa ka sa libro, ng paborito mong nobela o anumang libro, numero uno dyan ang produktong ito.  Nasa 12,000 hanggang 13,500 pesos ang halaga nito.

Electric Folding Bike

May mas hihigit pa ba sa concern mong maging health conscious ang iyong mahal sa buhay, mag-exercise at panatilihing bata ang kaniyang pangangatawan?  Isa sa pinakamaganda at praktikal pangregalo ngayong kapaskuhan ang isang electric folding bike.  Bukod sa normal itong bisikleta na may pedal, maaari rin itong tumakbo parang motorsiklo dahil sa electric motor nitong taglay—hindi mo na kailangan pagasulinahan, charge lang na parang cellphone, ayos na!  Higit sa lahat, maaari mo pa itong itiklop at may ilang modelong magkakasya pa sa isang backpack!  Praktikal ‘di ba?  Maraming modelong mapagpipiliian sa merkado, mula 4,000 libong piso pataas ay maaari ka nang magregalo sa iyong mahal sa buhay na mahilig mag-ehersisyo.

HyperIce Vyper Foam Roller

Para naman sa mga sports-conscious nating mahal sa buhay, importanteng makarecover agad ang mga muscles at tissues ng ating katawan sa mga matinding exercise o pagsali sa sports.  Ang HyperIce Vyper Foam Roller ang isang gadget na maraming pumapabor na isa sa pinakamagandang pro-athlete gadget sa kasalukuyan.  Mismong sina NBA superstar LeBron James at American footballer na si J.J. Watt ang isa sa mga nangungunang nagpapahiwatig ng pagkaaliw sa produktong ito.

TP-Link Wi-Fi Range Extender

Kapag hindi sapat ang power ng inyong internet, ito ang bagay sa inyo.  Ang TP-Link Wi-Fi Range Extender ay isang aparato na pang-maximize ng inyong wi-fi connection, tama po, ang silbi nito ay palawakin ang range ng inyong existing wi-fi ng halos 10,000 square feet.  Bagay na bagay ito sa mga taong hindi mapakali kapag hindi naaabot ng wi-fi ang kanilang mga gadgets.  Nagkakahalaga ito ng 3,700 haggang 4,500 pesos.

The Grillbot Automatic Grill Cleaner

Sa mga mahal natin sa buhay na mahilig mag ihaw-ihaw, subalit tinatamad naman maglinis ng kanilang grilling equipment, eto ang mainam na pang-regalo sa kanila.  Ang Grillbot Automatic Grill Cleaner.  Tama po ang inyong iniisip kung ito ay isang robot, dahil sa ‘artificial  intelligence’ kusa niyang lilinisin ang inyong grills sa anumang timer ninyo iset—mapa 10, 20 o 30 minutes, habang kayo ay nagpeprepara ng iba pang handa, o nakikipagbidahan na sa inyong mga bisita o barkada, ang Grillbot ang tamang abala sa paglilinis ng inyong pinakakamahal na ihawan.   Humigi’t kumulang 5,000 piso ang halaga nito.

Oral B Pro 7000 Series Electric Rechargeable Toothbrush With Bluetooth

Sa mga mahal natin sa buhay na hindi mawalay sa kanilang gadget, lalo na ang bluetooth dependent, subalit hygiene-conscious pa din, ito naman ang toothbrush na bagay na bagay sa kanila.  Electric na rechargeable na, may Bluetooth pa, san ka na?   Mawiwili ka na sa kakasipilyo, hindi ka pa mawawalay sa wireless connection mo.  Humigit kumulang 6,500 piso ang halaga nito.

Fingerlings Interactive Toy Monkey

Sa mga bata at nagbabata-bataan, laruan pa rin siyempre ang numero uno.  Para maiba naman pero ‘hi-tech’ pa rin, regaluhan sila ng Fingerlings Interactive Toy Monkey.   Nagtataglay sila ng 40 cool at ‘funny’ sounds at kilos kapag pinapaglaruan sila, binibitbit, kinakausap o kahit pumalakpak, ay nagre-react sila sa bawat kilos ninyo, kakaaliw ngang tunay.  Nagkakahalaga ito humigit kumulang na 1,200 hanggang 1,500 piso lamang.

Google Home WiFi Replacement

Sa talagang hindi makuntento sa wi-fi connection, may remedy na diyan.  Ang Google Home Wi-Fi Replacement ay ang mahusay na replacement sa inyong wireless connection sapagkat tinatanggal nito ang lahat ng ‘dead zones’ sa inyong tahanan at maaari kayong magkasignal mula 1,500-4,500 square feet ang espasyo.  Ang halaga nito, humigi’t kumulang 8,000 piso.

Clocky Alarm Clock on Wheels

‘Bangon na mga anak, pasko na!’  Bagay na bagay sa mga hirap bumangon lalo na sa umaga, ang Clocky Alarm Clock ‘on Wheels’ ang nararapat na iregalo sa kanila.  Tumpak po ang inyong nababasa, may wheels po ang alarm clock na ito, dahil kapag tumunog po ito at hindi ninyo pinatay, lalarga po ito sa buong kuwarto ninyo hanggang sa ito ay maturn-off ninyo.  Cool ‘di ba, at may halong pang-iinis, subalit pasko, kapag natanggap ang regalong ito, ang ulo hindi dapat mag-init.  O bili na!  Humigit kumulang 600-1,000 piso ang halaga po nito.

Marami kayong mapagpipiliiang hi-tech gadgets sa kasalukuyan at ang bawat binanggit ay siguradong patok pangregalo, magkano man ang budget ninyo.  Higit sa lahat, ngayong kapaskuhan, huwag kalimutan ang tunay na kahulugan ng pasko, mahalin ang ating kapwa, at magpasalamat sa ating Poong Maykapal sa lahat na biyayang ipinagkakaloob Niya sa atin!

 

Ang Grillbot Automatic Grill Cleaner ang ‘da best’ na pangregalo ngayong pasko sa mga mahilig mag-ihaw subalit tamad maglinis ng kanilang pinaka-iingatang grill equipemtn.  Ito po ay automated cleaning—ibig sabihin ay parang robot na maglilinis magisa at hindi ninyo na kailangan pang icontrol.  Habang kayo ay busy sa inyong pagbibida, ang Grillbot naman ito ay sasabay na aarangkada para maglinis ng inyong pinag-ihawan.

 

Ang Electric Folding Bike ang Isa sa pinaka-maganda at praktikal pangregalo ngayong kapaskuhan ang isang electric folding bike.  Bukod sa normal itong bisikleta na may pedal, maaari rin itong tumakbo parang motorsiklo dahil sa electric motor nitong taglay, at maaaring magkasya sa isang backpack kapag iyong tinupi.

 

Ang personalized niyong ‘R2D2’ ang Meccano M.A.X. Robot ang maituturing na ‘future robot companion’ ninyo.   Maaari mo itong kausapin, makipag-tawanan, pasayawin, siguradong  patok ito sa inyong tahanan. Siguradong patok ito sa mga bata, nagbabata-bataan at nais pang bumata, in other words, pang buong pamilya ang little cute robot na ito.

 

Sa mga hygiene-conscious subalit ayaw mawalay sa kanilang wireless connection, ang Oral B Pro 7000 Series Electric Rechargeable Toothbrush With Bluetooth ang sagot sa inyong pangangailangan.  Mawiwili ka na sa kakasipilyo, hindi ka pa mawawalay sa wireless connection mo.  Electric na rechargeable na, may Bluetooth pa, san ka na?

 

Sa inyong mahal sa buhay na ‘tamad na tamad’ bumangon sa umaga, ito ang para sa kanila.  Techie na, mas nakakainis, este, nakakaaliw kaysa sa ordinaryo ninyong alarm clock.  Ang Clocky Alarm Clock on Wheels ay tumpak po, may gulong at lalarga ito sa oras na hindi kayo bumangon at patayin ang alarm clock na ito, sapagkat tatakbo ito nang tatakbo hangga’t hindi ninyo ito hulihin.  Sulit ang tulog ‘di ba?