PINAS

TIMBOG : 2 big time pusher, arestado sa drug buy-bust operation sa isang shopping mall sa Pasay City

Pinas News

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional OfficeNCR ang dalawang big time pusher sa isang shopping mall ng Pasay City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Randy Gatdula residente ng Type B NBP, Muntinlupa City at Marlita Macatanga ng Bomba 5 Guard A Quarter Maximum, Muntinlupa City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 583.5 grams na umanoy shabu naabot sa P2.9 million halaga at drug buy bust money sa loob ng SM Mall of Asia ng nasabing lungsod.

Si Gatdula at Macatanga, ay kinasuhan na ng pagbag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002