PINAS

1 katao, patay habang 3 ang arestado sa operasyon ng PDEA-12

Pinas News

Isa ang patay habang tatlo ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12 sa isinagawang 14 na search warrants sa Kabacan, Cotabato.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Akmad Blah Alias Akmad; Abdul Ang Kananabdul Angkanan Alias Bapa Abdul, at Alli Beldik.

Sa kabuuan ng operasyon, nakarekober ng PDEA ang tatlumpung sachet ng shabu na tinatayang nasa 9.5 na gramo at may market value na P47,500 at ilang mga drug paraphernalia.

Nabaril at napatay sa operasyon si Beldik Usop matapos manlaban sa mga otoridad habang nakatakas naman ang isa pang target na si Benzar Beldik.

Nabatid na kasapi ng isang organized crime group ang mga suspek na sangkot sa illegal drug trafficking, carnapping, robbery at pagnanakaw sa Cotabato.