PINAS

1 pang bata na tinurukan ng Dengvaxia, patay sa Pampanga

Pinas News

ISANG dose anyos na bata na ang nasawi matapos nabakunahan ng Dengvaxia sa lalawigan ng Pampanga.

Ang nasabing bata ay naturukan ng dengvaxia noong Hunyo 14, 2016 sa San Esteban Elementary School sa Macabebe, Pampanga.

Nabatid na nagkaroon ng brain herniation syndrome ang naturang bata.

Enero 14, 2018 nang nakaranas umano ng lagnat at sipon kasabay ng pananakit ng ulo at pagsusuka bago ito dinala sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital noong Enero 17, 2018.

Isinagawa na ang pagsusuri upang malaman kung sa dengue vaccine ang ikinsawi ng naturang bata.

Una nang napaulat na dalawang mag-aaral mula sa Guagua at Candaba sa Pampanga ang nasawi na kabilang sa nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.