PINAS

8.2 magnitude na lindol, tumama sa alaska

Pinas News

 TUMAMA ang magnitude 8.2 na lindol na naitala sa isandaan at pitumpu’t limang milya timog silangan ng Kodiak, Alaska.

Ayon sa US geological survey, may lalim ang pagyanig ng anim na milya.

Kaugnay nito, itinaas na sa tsunami warning ang ilang mga lugar sa Pacific West Coast.

Kabilang sa isinailalim sa tsunami warning ang Southeast at South Alaska, kasama na ang Alaska Peninsula, Aleutian Islands at British Columbia sa Canada.

Nasa tsunami watch naman ang mga estado ng California, Oregon at Washington sa Estados Unidos.