NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAYA hintayin ang Kalooban ng Ama. Kaya nga ang mga anak na lalaki at anak na babae sa Kaharian, lalo na ang mga kabataan ay may panindigan sa pagganap sa Kalooban ng Ama.
Itinuring natin ang bawat isa rito bilang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae. Dito sa Kaharian, ang Kalooban ng Ama ang nakikita natin sa bawat araw ng ating buhay. Narito kayo upang ialay ang inyong buhay at kapag natagpuan ninyo ang Kalooban ng Ama sa inyong buhay, lahat ng inyong buhay ay pagpapalain.
ANG KASIYAHAN SA PAGGANAP SA KALOOBAN NG AMA
Ang kasiyahan sa pagganap sa Kalooban ng Ama ay ang ating “Bukal ng Kabataan” sa Kaharian.
Ako ang inyong modelo. Dati akong bahagi sa mundo ng relihiyon sa nakalipas na taon ng aking buhay. Hindi ko sinasabing nasa katandaan na ang mga taon ng aking buhay, dahil ako ay napakabata. Mas bata pa nga akong tingnan kaysa sa iba sa inyo. Kapag kayo ay naging alipin ng demonyo, kayo ay maging mas matanda kaysa inyong edad.
Sa Kaharian, hindi kayo tumatanda. Kapag naglilingkod kayo sa Dakilang Ama, kayo ay mas batang tingnan sa bawat taon dahil ang kaligayahan sa pagganap sa Kalooban ng Ama ang siyang nagbibigay sa atin ng mahabang buhay, nagbibigay sa atin ng bukal ng kabataan. Iyan ang nagbibigay sa atin ng katibayan at ng enerhiyang mayroon tayo.
Walang ganyang bagay sa mundo. Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi, “At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa’t ang gumawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.” (1 Juan 2:17). Magkakaroon kayo ng haba ng buhay na gusto niyo dahil mabubuhay kayo ng walang hanggan.
Mga Taga-Roma 14:17-18;
B-17 Sapagka’t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at pag-inom, kung di ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.
B-18 Sapagka’t ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.
Ang Kaharian ng Panginoon ay hindi hinggil sa karne at inumin. Hindi lamang ito sa anuman ang ating kinain, anuman ang ating ininom. Ito ay ang katuwiran, kapayapaan, at kasiyahan. Ang katuwiran ay matamo lamang kapag ginaganap ninyo ang Kalooban ng Ama. Iyan ang tunay na katuwiran. Hindi ito parisidyong katuwiran.
ANG BUNGA NG LAMAN
Mga Taga-Galacia 5:19-21;
“At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.”
Tingnan ang mga ito, ito ang mga pangil ng demonyo. Siya ay kagaya ng kobra at ito ang kanyang mga lason, at bawat sandali na kagatin niya kayo na walang akmang pangontra, lahat ng ito ay tatama sa inyo at papatay sa inyo.
ANG BUNGA NG ESPIRITU
Mga Taga-Galacia 5: 22-23; “Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.”
Ito ang mga pinangalagaan natin dito. Pinangalagaan natin ang atmospera ng langit kung saan naroon ang katuwiran ng Ama. Ito ang atmospera dito at ito ang siyang ating binabantayan. Dito matatagpuan ninyo ang pag-ibig; matatagpuan ninyo ang kapayapaan; matatagpuan ninyo ang kasiyahan; matatagpuan ninyo ang kaamuan; ang kapagkumbabaan at pagpapahinuhod. Ito ang atmospera ng Kaharian ng Langit kung saan tayo ay napabilang.
Ang iba sa inyo ay nasa Kaharian na ng Langit, ngunit nangulila kayo sa kaharian ng impiyerno. Kapag tiningnan ninyo ang mundo at sa mga nagsasayaw sa kaharian ng impiyerno, nabibihag kayo at umaasam sa kanila, at muli ay makilahok sa kanila. Nakilahok kayo sa kanilang pagkaalipin. Tayo ngayon ay malaya.
ANONG PORSIYENTO NG KATOTOHANAN MAYROON KAYO?
Nang kayo ay bininyagan sa tubig, nagsimula kayo sa espirituwal na buhay. Kayo ay nasa antas ng pagkasanggol. Habang kayo ay isang sanggol, may taong nag-aalaga sa inyo. Ito ay nangangahulugan kung bakit mayroon kayong mga coordinators at administrators na siyang mamuno sa inyo. Ilan sa inyo ay napakabata pa sa pananampalataya. Ang sanggol na pananampalataya ay wala sa laman. Ito ay hindi sa biolohikong edad na meron kayo. Ito ay ang pag-unawa sa Kalooban ng Ama sa loob. Ito ay ang pag-unawa sa Kalooban ng Ama.
Catholicism, Protestantism, Pentecostalism at anumang uri ng ‘ism’ na mayroon. Silang lahat ay nagpapahayag na tama. Ang katotohanan ay si Jesus Christ lamang dahil Siya lamang ang nagsabi na bilang ang Anak na lalaki ay naging anak ng Ama, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay,” (Juan14:6). Siya ang katotohanan. Ang Kanyang mga Salita ay katotohanan. Tinanong ko sila, “Ilan ang mga Salita ni Jesus Christ na meron kayo, at ilan sa mga Salitang iyon ang tinalima ninyo? Kapag tiningnan ninyo sa porsiyento, hindi nga nila nalalaman ang 1% mas mababa o mas mataas sa 10 porsiyento at inaangkin nilang sila ang katotohanan. Kung kayo ay 1% sa katotohanan, ano ang 99%? Itong lahat ay sa demonyo. Itong lahat ay kasinungalingan. Ito ay hindi naaayon sa Kalooban ng Ama ngunit naaayon sa kalooban ng tao. Kaya nagtayo sila ng mga tradisyon na mga kaululan pagdating sa kaligtasan. Ito ay walang kinalaman sa kaligtasan dahil sila ay nagkukulang. Sila ay nalulugi sa espirituwal.
Sa Kaharian, tanungin ako, anong porsiyento ng katotohanan na meron ako. Ito ay 101% dahil hindi Siya maaaring makapagdulot ng Hinirang na Anak kung ang Hinirang na Anak ay hindi 100% na nag-aalay sa Kanya. “Susundin ko ang Inyong Kalooban. Ang aking isip ay buo na, ang aking puso ay nakapagpasya na kahit anumang mangyari susunod ako sa Inyong Kalooban. Ito ay pagmamay-ari ninyo Dakilang Ama. Ito ay sa Inyo; gawin ang anumang nais ninyong gawin ko. Ipadala ako saan mang lugar na nais ninyo ako ipadala. Utusan Niyo po ako sa anumang kautusan, kahit na nauunawaan ko ito o hindi susundin ko na lamang ito dahil alam ko na Kayo ang siyang gumagawa rito. Kayo ay aking Ama. Kayo ay nananahanan sa akin. Ako ang naririnig na boses Niyo. Gawin ang anumang nais ninyong gawin ko. Susunod ako sa Inyo 100%.”
(itutuloy…)