Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
MINSAN ito ay Kalooban ng Ama para sa inyo na makarinig ng mga negatibong bagay patungkol sa ministeryo, lalo na kapag ang demonyo ay aktibo rin. Kahit na natalo ko na siya, siya ay aktibo sa kanyang misyon, at ang kanyang misyon ay ang pagwasak sa anumang naitatag ng Panginoon. Ang aking misyon bilang isang Hinirang na Anak ay wasakin ang mga gawa ng demonyo.
Kaya palagian ang aming salungatan. Ako ay palaging kasalungat ng demonyo at ang misyon ng demonyo ay magwasak. Una ay ang pag-akusa. Kagaya ng ako ay inakusahan ng napakaraming mga bagay. Ako ay inusig at inakusahan ng napakaraming mga bagay. Kung ginawa nila sa akin ‘yan ay gagawin din nila sa inyo.
Ano ang gagawin ninyo sa panahon na kayo ay inakusahan? Tumayo, at maging matapang at patunayan sa inyong testimonya na ang espiritu ay palaging nananalo. Hindi ang laman ang nananalo dito, ang espiritu. Makikita ninyo ang sekular na mundo, ang nasa labas na mundo, may tatlong uri ng tao ngayon: alipin, katulong at mga anak na lalaki at mga anak na babae.
Ang mga alipin ay ang mga taong lubos na hindi nakakaalam sa Kalooban ng Ama ngunit kanilang sinusunod ang kanilang kalooban; kanilang sinusunod anumang kanilang maiisipan. Iniisip ng mga alipin na sila ay malaya dahil maaari silang magsalita o gumawa ng anumang kanilang gugustuhin.
ANG DALAWANG URI NG KALAYAAN
May dalawang uri ng kalayaan sa mundong ito ngayon: ang kalayaan sa paggawa sa kalooban ng demonyo at ang kalayaan sa paggawa sa Kalooban ng Ama. Sa sekular na mundo, sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas na si Lucifer ang demonyo, kayo ay malaya sa paggawa ng kaniyang kalooban. Ano ang kaloobang ‘yan? Ang kalooban ng tao na itinanim sa loob ninyo, na aking tinawag na serpent seed. Ginagawa ninyo ang inyong kalooban. Kung nais ninyong magsigarilyo ng marijuana, o kung nais ninyong magdroga, magagawa ninyo ito. Kung nais ninyong maghanap ng laman, magagawa ninyo ito. Nais ninyong maglasing, nais ninyong pumatay, nais ninyong gumawa ng anumang bagay, magagawa ninyo ito. Kahit na may mga batas doon na kumukontrol sa makahayop na ugali ng tao, ngunit nanatiling sila ay malaya sa paggawa anuman ang kanilang nais gawin.
Sila ay malaya sa paggawa sa kalooban ng demonyo. Kayo ay dumating dito sa Bansang Kaharian, hindi ninyo magagawa ang mga bagay na iyon dahil hindi iyan kalooban ng Ama. Kayo ay tinuruan dito na gumawa sa Kalooban ng Panginoon. Meron lamang tayong kalayaan sa paggawa sa Kalooban ng Panginoon. Tuturuan ko kayo sa Kalooban ng Panginoon, ngunit magsisisi muna kayo upang ang espiritu iyan ay mapapalitan ng espiritu ng Ama na magtuturo sa inyo na maging masunurin sa Kanyang Kalooban.
Dito, kayo ay malaya lamang sa paggawa sa Kalooban ng Ama. Ngayon, kapag tumingin sa inyo ang mga anak ng demonyo, sila ay magsasabi, “Napakamiserable ng inyong buhay. Hindi kayo malaya na kagaya namin. Ano ang inyong kasayahan? Ano ang inyong kaligayahan?”
ANG DALAWANG URI NG KALIGAYAHAN
Mayroong dalawang uri ng kaligayahan: Ang kaligayahan at kasiyahang gumawa sa kalooban ng demonyo at ang kaligayahan at kasiyahang gumawa sa Kalooban ng Ama. Merong dalawang mundo na nakatayong magkatabi. Ang lumang mundo ay nasa ilalim ng serpent seed at ang bagong mundo sa ilalim ng katuwiran ng Ama ng Panginoon.
Kayo ay bahagi ng Bagong Mundo, na kungsaan ang Kalooban ng Dakilang Ama ay natutupad. Kapag tiningnan nila tayo, kanilang sasabihin, “Kawawa naman kayo. Hindi kayo maaaring maglasing, hindi makapunta sa club, hindi makapunta sa disco. Hindi ninyo ito magagawa. Hindi ninyo iyan magagawa. Tingnan ninyo kami, kami ay malaya!” at ilan sa inyo ay nagulumihan at magsasabi, “Tama nga. Napakasaya nila.” Huwag ninyo silang tingnan na ganyan dahil sila ay mga alipin ng Satanas na si Lucifer ang demonyo. Sila ay hindi malaya dahil kapag sila ay namatay, sila ay mapupunta sa impiyerno.
Kapag kayo ay buhay at malaya kayong gumawa sa kalooban ng demonyo, akala ninyo kayo ay malaya, hindi kayo malaya dahil kapag kayo ay namatay, didiretso kayo sa impiyerno. Ang pagpunta sa impiyerno ay hindi kalayaan, ito ay kaalipinan. Ito ay habambuhay na kawasakan.
ANG TUNAY NA KALAYAAN SA KALOOBAN NG AMA
Sa Kaharian, hindi kayo maaaring manigarilyo ng marijuana dito. Hindi kayo makapag-droga dito. Hindi kayo basta na lamang gumawa ng mga gawa sa laman dito. Hindi kayo gumawa na lamang ng anumang mga bagay na ginagawa ng mga tao na nasa labas. Ano ang ating malayang magagawa? Malaya tayo sa paggawa sa Kalooban ng Ama. Kaya kailangan nating malaman ang Kalooban ng Ama. Ano ang kalayaan? Ito ay ang tunay na kalayaan dahil kapag kayo ay namatay, kayo ay mapupunta sa langit. Kagaya ng Kanyang sinalita, “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32). Kapag ang Anak ay palayain kayo, kayo ay tunay na malaya. Ako ay nagsasalita doon sa mga alipin ng Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Paano ko kayo mapapalaya? Lumapit kayo at sumunod sa aking boses. Magsisisi at isuko ang serpent seed ng inyong kalooban at pagkatapos ay sumunod sa Kalooban ng Ama, at kayo ay magiging malaya sa paggawa sa Kalooban ng Ama. Nang ako ay nag-iisang gumawa sa Kalooban ng Ama sa mundong ito, napakahirap ng buhay ko noon dahil lahat sila, isipin na lamang ang bilyon-bilyong mga tao na gumagawa ng kanilang kalooban at ako lamang ang nag-iisang gumawa sa Kalooban ng Ama. Para itong humarap sa isang digmaan at ikaw lamang ang nag-iisang sundalo na humarap sa isang batalyong sundalo. Nag-iisa ka lang at ang kanilang mga sandata ay nakapuntirya sa iyo. Iyan ang naramdaman ko nang ako ay ipinadala sa mundo. Naramdaman ko na parang isa lamang akong duwende at sila ay mga higante ngunit hindi ko inisip iyon dahil ang Panginoon ay kasama ko. Ang Dakilang Ama ang kasama ko. Kapag kayo ay nag-iisa at ang Ama ay kasama ninyo, kayo ay nasa mas nakararami.
(itutuloy)