Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
GANOON ang estratehikang mga araw noon sa Kingdom Ministry. Ito ay nasa dehadong kalagayan kung saan ang demonyo ay nasa mas mataas na lugar at ako ay nasa mas mababang lugar.
ANG HOLY THREE LABAN SA HOLY ONE
Sa digmaan, laging hinahanap ang mas mataas na lugar upang makakuha ng mainam na kalagayan na talunin ang kaaway. Ako noon ay nasa mababa. Nag-iisa lamang ako ngunit nagpatuloy ako dahil ang kapangyarihan ng Ama ay nasa akin. Inusig ako ng lahat. Sinabi nila sa akin, “Isa kang baliw.” Sino sila? Ang mga gumagawa sa kalooban ng demonyo. Sila na nasa ilalim ng impluwensiya ng kalooban ng demonyo, ang mga anak niya na nasa sanlibutan. Nag-iisa lamang akong gumagawa sa kalooban ng Ama, pinapangaral ang kalooban ng Ama. Sinabi ko sa sanlibutan, “Ang Holy Three ay hindi totoo. Ang Holy One ang katotohanan.”
Iyan ang salita ng Ama. Hindi ninyo matatagpuan ang Holy Trinity sa salita. Matatagpuan lamang ninyo ang Holy One.
Isipin na lamang na bilyon-bilyon ang naniniwala ng Holy Three. Sila ay kakalaban sa akin. Ano ang ginawa ko? Umiyak ba ako sa tabi? Nasugatan ako. Nanghihina ba ako at sinabing, “Pinanghinaan ako magbibitiw na lamang ako.” Hindi ko ito ginawa. Nagiging mas malakas ako sa bawat araw. Ang kapangyarihan ng Ama ay nasa akin. Mas lalo akong sumubok na magpatuloy at patunayan sa demonyo na siya ay isang talunan. Ang pagkamakatuwiran ay palaging ganyan.
RELIHIYOSONG MGA TAO LABAN SA ESPIRITUWAL NA MGA TAO
Tingnan natin ang labas ng mundo sa wastong espirituwal na paglalarawan. Tingnan sila, sila ay nalulunoy sa kanilang sariling gusto, gumagawa ng kanilang kalooban, gumagawa sa kalooban ng demonyo. Tayo itong naaawa sa kanila. Tayo itong may habag sa kanila. Ngayon, tayo itong gagamitin ng Ama bilang mga instrumento na agawin sila mula sa apoy at dalhin sila sa kanilang kaligtasan at kalayaan na ating nararanasan sa Bansang Kaharian ngayon.
Tayo ay isinilang sa espiritu. Tayo ay mga espirituwal na tao. Hindi tayo relihiyoso. Ang mga relihiyosong tao ay nalalaman ang pangalan ng Panginoon; nalalaman nila na si Jesus Christ ay ang Tagapagligtas. Kanila pa ngang dinadala ang Kanyang mga salita. Nagsagawa sila ng Bible study sa kanyang mga Salita ngunit hindi nila ito sinunod. Ang mga espirituwal na tao ay ang mga mamamayan sa Kaharian. Nakikilala nila ang Salita. Nakikilala nila ang Tagapagligtas. Nakikilala nila ang relasyon ng Ama at Anak. Nalalaman nila ang pagsisisi. Nalalaman nila na mabibigyan sila ng Bagong Espiritu ng Pagsusunod sa Kalooban ng Ama.
Ano ang pinagkaiba sa pagitan nila at sa atin? Tayo ay tinuruang sundin ang kalooban ng Ama. Tayo ay pinagkalooban ng espiritu ng pagsusunod sa kalooban ng Ama. Kaya hindi tayo relihiyoso. Tayo ay mga espirituwal. Tayo ngayon ang Espirituwal na Sundalo ng Kabutihan ng Ama sa mundong ito.
ANG KAHARIAN NG KADILIMAN
1 Juan 2:15-17; b15 “Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.”
Ito ang mundo kungsaan namamahala si Satanas. Ito ang lugar kung saan naroroon ang mga alipin.
b16 “Sapagka’t ang lahat na nangasa sanlibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan ng buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.”
b17 “At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa’t ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.”
Hindi tayo kaanib sa mundo. Hindi natin ginamit ang ating mga mata sa kalibugan (lust of the eye). Hindi natin ginamit ang ating laman sa kalibugan (lust of the flesh). Hindi natin ginamit ang pride kagaya ng pagmamalaki sa ating buhay kung anong antas tayo. Kayo ba ay mahirap? Kayo ba ay mayaman? Kayo ba ay edukado? Kayo ba ay hindi edukado? Wala ito sa atin. Ang mahalaga rito ay ang kaluluwa ng tao na dapat na bumalik sa Kanya at maiayos at maibalik muli sa dating estado. Ang mga bagay na ito na nasa mundo ay hindi nangingibabaw sa atin. Walang kalibugan ng mata. Walang kalibugan ng laman. Tanging ang Kalooban lamang ng Ama ang mahalaga sa atin.
LAGING ILAGAY ANG INYONG SARILI SA KALOOBAN NG AMA
Nagtanong sa akin ang isang young people, “Sa kaso niyan, Pastor, bawal ang mag-asawa rito? Sinabi ko, “Hindi pinagbawal ang mag-aasawa rito sa Kaharian, hangga’t ito ay Kalooban ng Ama.” Kaya tanungin ito sa inyong sarili, “Ito ba ay Kalooban ng Ama?” At kapag sinabi ninyo, “Ang Inyong Kalooban ang masusunod sa aking buhay,” ang inyong buhay ay nasa mga kamay ng Dakilang Ama, kabilang na ang inyong mga mithiin at kabilang na ang inyong kinabukasan.
Natural lamang ito sa atin, di ba? Itong ating mga nararamdaman nang tayo ay nasa labas ng mundo. Ito ang mga nararamdaman natin. Tayo ay nanatili pang nasa laman, ngunit tayo ay hindi sa laman. Tayo ay nasa laman ngunit ang ating katapatan ay wala sa laman. Ito ay nasa Kalooban ng Ama. Kapag kayo ay nasa Kalooban ng Ama, sasabihin ninyo sa Kanya, “Ama kung nais ninyong magkaroon ako ng katuwang sa aking buhay at mag-asawa, mag-aasawa ako, ngunit kung nais Niyo po na ako ay nag-iisa sa lahat ng buhay ko kagaya ng Hinirang na Anak, gagawin ko ‘yan. Ilalaan ko ang aking buhay ng buo sa Inyo, gagawin ko ‘yan.” Kung Kalooban ng Ama para sa inyo ang alinman sa dalawa, pangunahan kayo ng Ama sa mga bagay na ‘yan na wala kayong pagsisikap na hanapin ito. Ito ang kabutihan ng Ama sa Kaharian. Kaya laging ilagay natin ang sarili sa ilalim ng Kalooban ng Ama.
Paano ang nasa lumang mundo kungsaan ang kalibugan ng laman, kalibugan ng mata at ang pagmamalaki sa buhay ang nangingibabaw? Paano nila gawin ang mga bagay doon? Kanila itong ginawa sa ibang paraan. Sa natural, sa normal na naaayon sa mundo. Una, ito ay kalibugan ng mata at pagkatapos, ito ay napupunta sa kalibugan sa laman. Pinapalakpak ng demonyo ang kanyang mga kamay. Maraming beses kayong nag-aaway at nagdeborsyo. Nag-aaway kayo at pinapatay ang bawat isa. Iyan ba ang Kalooban ng Panginoon? Ang Salita ng Ama ay nagsasabi, “Ang pinagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao,” (Mateo 19:6). Kapag Kalooban ng Ama para sa inyo na may katuwang sa buhay, at Siya ang gumawa niyan, hindi kayo magkahiwalay muli.
(itutuloy…)