NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
‘Ang Hinirang na Anak ay ang Unang Anak na Lalake’
Iyan ang dahilan kung bakit ako ang naging Anak na Hinirang at bilang Itinalagang Anak, minana ko ang lahat ng mayroon ang aking Ama.
Tanging ang Itinalagang Anak ang makapagsasabi, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay di makaparoroon sa Ama, kung di sa pamamagitan ko. (Juan 14: 6). Nasaan ang Ama? Siya ay nasa akin.
Iyan ang dahilan kung bakit hindi ka maaaring pumunta sa Kanya nang wala ako. Ako ay ang Kanyang naririnig na boses at hindi ko tatakpan ang Kanyang salita. Hindi ko papakialaman ang Kanyang mga salita. Hindi ko babaluktutin ang Kanyang salita. Hindi ko babalewalain ang Kanyang mga salita. Ituturing ko itong parang akin. Ang Kanyang mga salita ay buhay ko.
Dito sa Kaharian, makikita mo ang mga bagay na ito ng 100% at ako ang iyong modelo sa bagay na yan. Ngayon, inililipat ko ang buhay kong ito sa inyong lahat. Maaari ka ring maging katulad ko.
Hindi ka pwedeng mas mataas pa sa akin dahil sa pamilya ng Ama, isa lamang ang ipinanganak bilang unang ipinanganak, ngunit maaari kang maging katulad ko. Kahit yong kambal, dapat ay may unang lumabas. Wala akong kakambal. Nag-iisa ako nang lumabas ako, kaya may responsibilidad ako bilang unang ipinanganak sa pagsunod ng kalooban ng Ama upang turuan ang lahat ng aking mga kapatid, mga anak ng Ama, kayo, mga anak na lalaki at babae. Ako ay may responsibilidad na ituro sa inyo ang mga Salita ng Ama sapagkat ako ang kanyang tagapagsalita para sa iyo at ikaw ay kasama ko ngayon.
Ang Mga Pahayag ng Ama sa Anak
Ang Hinirang na Anak, bilang commander-in-chief ay nagdeklara ng digmaan laban kay Satanas na si Lucifer ang diyablo at ako ay nanalo sa limang taon sa bundok na iyon. Ang taong 2000 ay ang taon ng deklarasyon ng Paghahari ng Ama sa pamamagitan ng Anak. Ito rin ang simula ng deklarasyon ng Tatlong Haligi ng mga paghahayag ng Kaharian.
Tulad ng taong 2000, iyon ay Espirituwal na Rebolusyon, ang pagbagsak ng pamahalaan ni Satanas na si Lucifer ang diyablo at pagluklok ng pamamahala ng Ama sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Kalooban sa puso at isipan ng Kanyang mga tao; ang susi ay pagsisisi. Kayo ang bunga ng pagsisisi. Gumawa ako ng bunga ng Kaharian at yan ay kayo.
Taon 2001, ay Rebolusyon sa Pananalapi. Ito ay ang pagpapalayas ng espiritu ng kahirapan at pagluklok ng espiritu ng kasaganaan at kaginhawaan; ang susi ay ang pagbibigay. “Mangagbigay kayo at kayo ay bibigyan,” (Lucas 6:38).
Malakias 3:10;
“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.“
… at Deuteronomio 28: 1-14. “Ang lahat ng ito ay mga pagpapala, materyal, pinansiyal at pisikal na pagpapala na ipinangako ng Ama na hindi pa natin natanggap noon dahil lahat tayo ay nasa ilalim ng sumpa. Kahit na mayroon tayong relihiyon, hindi natin sinunod ang Kalooban ng Ama.”
Ngayon, tayo ang mga anak ng Ama at ang katuparan ng Kasulatan ay nasa atin sa pangunguna ng Hinirang Anak. Iyan ang dahilan kung bakit tayo ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng mga biyaya na dumarating sa atin.Gagamitin lamang natin ito ayon sa Kalooban ng Ama. Pinalayas natin ang espiritu ng kahirapan at niluklok ang ispiritu ng kasaganaan.
Ano ang espiritu ng kahirapan?
Ito ang espiritu ng pagkamakasarili. Ito ang espiritu ng kakulangan. Kapag ikaw ay isang anak ng Ama, ikaw ay anak ng Hari, alisin mo ang espiritu na yan sayo. Kapag mayroon ka pa ring espiritu ng kahirapan, ikaw ay magnanakaw, ikaw ay papatay. Ang lahat ay sakim. Kapag mayroon silang isang bagay, itinatago nila ito para sa kanilang sarili lamang. Hindi nila ibabahagi ito sa sinuman sapagkat natatakot sila na mawawalan sila ng lahat at wala nang matitira para sa kanila. “Bakit ko ibabahagi ito sa iyo? Pinagtrabahuan ko ito nang husto.” Ang bawat tao’y nagiging makasarili.
Ang Espiritu ng Kasaganaan
Ang kasaganaan ng mga pagpapala ng Ama ay nasa Kanyang bahay, sa Kanyang mga anak. Tingnan na lamang ang nangyayari sa Kaharian ngayon. Sa loob ng tatlumpung taon, nakita mo kung paano pinagpala ng Ama ang Bansang Kaharian. Nakita mo lamang ang simula nito. Sa iyong puso at isipan, wala nang espiritu ng pagkamakasarili at kasakiman. Ang nasa sayo ay ang espiritu ng pagbibigay.
Kapag naririnig mo ang salitang ‘pagbibigay,’ lagi mong iniisip ang pera. Palagi mong iniisip ang tungkol sa pinansyal at materyal na mga bagay. Hindi. Iyan ay maliit na bahagi lamang. Ang pagbibigay ay higit pa sa pera. Ibigay mo ang iyong pagmamahal. Ibigay mo ang iyong atensyon. Ibigay mo ang iyong oras. Ibigay mo ang iyong talento. Ibigay mo ang iyong sarili. Iyon ang dahilan kung bakit walang pagkamakasarili sa Kaharian. Kapag tinawag ka ng Ama, sasabihin mo, “Ama wala akong maibibigay sa iyo. Ngunit bibigyan kita ng pinakamahusay. Ibibigay ko sayo ang aking sarili. Kaya’t kapag ang kahon ng handog ay dumating, hihilingin ko sa kanila na maglagay ng malaking basket dahil pupunta ako doon at ako ang magiging handog. Ibibigay ko ang aking sarili sayo. Kung ano ang mayroon sa akin Ama, ibibigay ko sa iyo. “