PINAS

Aso sa Idaho, nakakuha ng maraming followers dahil sa abilidad sa pag-bowling

Pinas News

NAGING social media star ang isang aso sa Idaho dahil sa abilidad nito sa larong bowling.

Sinabi ni Katelyn Simpson, ang amo ng naturang hayop, na 12-linggo pa lang si Blake ay nagpakita na ito ng sorpresa nang itulak ng alaga nito ang bola patungo sa mga pins.

Simula noon ay nakasanayan na ni Blake na kapag inilagay ang bola sa ibabaw ng ramp ay agad niya itong itulak patungo sa mga pins kasabay ng isang treat.

Ngayon sa ika-walong buwan ni Blake ay mas napaigi pa umano ang kagalingan sa paglaro ng bowling bunsod upang makahakot ng maraming followers sa Instagram page nito – @BlakeTheBowlingDoodle na ibinahagi ng libu-libong beses.