• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - December 05, 2019

PINAS

Ang Kahalagahan ng Kaluluwa ng Tao (Ikaapat na Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Vaping dapat ba talagang ipahinto sa bansa?
  • Siga at sanggano
  • DOLE, ibinida ang mga accomplishment
  • Substitute Bill para sa Department of OFW, lusot na sa committee level sa Kamara
  • Karagdagang pondo para sa Voucher Program ng Senior High School, isinusulong
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Badyet sa Edukasyon: Para Saan?

January 30, 2018 by Pinas News


Ni: Louie C. Montemar

DAHIL sa interes ko sa pag-aaral, inaabangan at binabantayan ko taon-taon ang paglabas ng impormasyon hinggil sa badyet ng bansa. Sa partikular, pinaka interesado ako sa nilalaang badyet para sa edukasyon, lalo na para sa Departamento ng Edukasyon (DepEd) at sa Commission on Higher Education (CHED).  Ang dalawang kagawarang ito, kabilang ang TESDA sa ngayon, ang nagpapatupad ng mga pangunahing programang pambansa ng ating pamahalaan.

Kung ibabatay sa naging badyet nitong 2017, ang sumusunod na mga bagay ang pinakamalalaki ang inilobo ng pondo bilang porsyento ng kabuuang pambansang badyet, ayon sa badyet ng mga kagawarang nangangasiwa sa kanila: Public works; Transportasyon; Agrikultura; Interior, Local Government, at Kalusugan.

Marami ang malamang magugustuhang maging mga prayoridad ang mga  ito dahil sakop rito ang mga batayang pang-araw-araw na mga pangangailangan ng publiko—pagkain, kaligtasan o kagalingan, at transportasyon. Ang tanong nga lamang, saan ba manggagaling ang pondo at paano o para saan ito aktwal na magagamit? Sa ibang salita, anong mga sektor at pamayanan ang tunay na magkakabenepisyo?

Ang DepEd ang may pangalawang pinakamataas na alokasyon sa lahat ng mga kagawaran sa ilalim ng 2018 Pambansang Badyet. Mayroon itong P553.31 bilyon (US $ 11.12 bilyon).  Ito ay 14.7% ng kabuuang 2018 badyet. Mas mataas ito ng 1.69% kaysa sa nilaan noong 2017. Nakatarget ito sa para sa mga bagong pasilidad at pagpapanatili ng mga nariyan na; pag-empleyo ng mga tao para sa pagtuturo at iba pang posisyon; at, iba’t ibang mga suporta pang-iskolarsyip para sa mga mag-aaral.

Bukod dito, mayroong P62.12 bilyon (US $ 1.25 bilyon) na inilaan para sa mga unibersidad at mga kolehiyo ng estado (SUCs). Naiulat na bawat SUC ay tatanggap ng isang pagtaas ng hindi bababa sa P10 milyon para sa pagkuha ng mga kagamitan at pagkumpuni at pagtatayo ng mga gusali. Maliban pa rito, may higit sa P40 bilyon (US $ 803 milyon) para sa tinatawag na Universal Access to Tertiary Education Act. Ang P327 milyon (US $ 6.57 milyon) na inilaan para dito’y tutulong para magkaroon ng libreng Wi-Fi para sa lahat ng mga SUC.

Ang Commission on Higher Education (CHED) naman ay makakukuha ng P49.4 bilyon (US $ 991 milyon), isang malaking paglobo—164%, kumpara sa badyet noong 2017. Nakatakda ang bulto nito upang pondohan sana ang mga scholarship, grant, at subsidy lalo na para sa mga nangangalingan.

Karagdagan pa, mayroong pondo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na P7.6 bilyon (US $ 152 milyon) para sa 2018.

Ngayon, sino ang talagang nais na kontrahin ang mga paglalaang ito? Dapat nga yata’y dagdagan pa ang mga ponding ito para mabigyang suporta ang kalidad ng buhay ng ating mga guro, dahil sa huling paglilimi, ang mga guro ang pinakamahalagang salik sa pagpapaganda ng kalidad ng ating edukasyon. Nakalulunkot malamang tila walang interes ang DBM na madagdagan ang sweldo ng ating kaguruan.

Related posts:

  • CHEd, kumpiyansa na mapopondohan ng gobyerno ang libreng tuition
  • Kailangan ng aksiyon sa sektor ng enerhiya
  • Suportahan ang NIPAS, Proteksyunan ang Kalikasan
  • K-to-12 sa bansa, Kumusta na?
  • Petisyon sa TRAIN

Opinyon Slider Ticker Badyet sa Edukasyon CHED Commission on Higher Education Departamento ng Edukasyon DepEd Louie C. Montemar Technical Education and Skills Development Authority TESDA

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.